^

PSN Showbiz

Jolina sa NY gustong ikasal

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naanyayahan kami ng mga magulang ni Jolina Magdangal sa kanilang magandang resthouse sa Tagaytay noong Miyerkules. Enjoy ang lahat sa mga kwentuhan namin tungkol kay Jolens. Naging sentro ng aming usapan ang tungkol sa lovelife ng actress-singer na ngayon ay nasa New York at dinalaw ang abogadong boyfriend. Pero kahit hindi siya sinamahan nina Jun at Paulette ay kasama naman nito ang kanyang pinsan na naka-based sa LA.

"Gusto nga ni Jolina na mag-asawa na pero baka matuloy ito kapag sumapit siya ng 28 o 30 years old. Gusto naming mag-ama na sa New York (5th Avenue) idaos ang isang simpleng seremonya ng kasal na dadaluhan ng malalapit na kamag-anak o kaibigan. Gusto naman ni Paulette na dito sa Pilipinas ikasal ang aming anak. Hindi siguro ako makakaharap sa kamera dahil iiyak ako sa kanyang kasal," ani Jun.

Four years na ang relasyon nina Jolina at ang nobyo kung saan si Boy Abunda ang nagpakilala sa dalawa.

Stable na ang actress-singer dahil marami na itong kabuhayang naipundar. Bukod sa kanilang mansyon ay nakabili pa ng resthouse si Jolens sa Tagaytay na may sukat na 900 square meters kung saan napapaligiran ito ng malalaking punungkahoy. Ito ang nagsisilbing pahingahan niya kapag libre sa commitment.
Valerie, Kontrabida Ni Ryza
Medyo nakapagbawas na ng timbang si Valerie Concepcion na kasama sa drama anthology na Now and Forever para sa unang season ng kwentong Mukha sa direksyon ni Mac Alejandre. Kontrabida siya dito ni Ryza Cenon at katrianggulo sa pag-ibig ni JC de Vera.

Ayon kay Val okay lang na maging kontrabida siya dahil challenging naman ang role nito. Sa istorya ay kinaiinggitan niya ang pamilya ni Ryza.

Desidido itong magpapayat kaya naman strictly on diet ang magandang aktres. Hindi siya kumakain ng kanin sa tanghalian at hapunan. Sa agahan lang siya kumakain ng kanin pero kalahating tasa lang. Panay din ang paglalaro nito ng badminton.

Healthy naman ang kanyang baby na apat na buwan na ngayon.
Romansa Sa Opisina Sa "Kay Susan Tayo"
Magiging makabuluhan ang paksang pag-uusapan ngayon sa Kay Susan Tayo hosted by Susan Enriquez. Ang pakikipagrelasyon sa opisina, sa pagitan man ng mga dalaga’t binata o mga may asawa ay ipinagbabawal sa ilang kompanya. Sa isang leading pharmaceutical company naman, bawal magkaroon ng extra-marital affairs dahil mismong kumpanya ang minsang hinabla ng misis na kaliwete.

Mapapanood ito ngayong 10:30 ng umaga sa GMA 7.
Nanganak Na Ang Ka-Live-In Ng Sikat Na Sexy Actor
Excited ngayon ang isang sexy actor dahil nanganak na ang kanyang ka-live-in na galing sa mayamang angkan. Maganda rin ang naanakan nito kaya lang wala pa silang balak na magpakasal. Baka paglaki-laki na ng kanilang anak.

Visible pa rin sa mga showbiz gathering ang sexy actor kung saan magaling itong artista at lumalabas din paminsan-minsan sa entablado.

vuukle comment

BOY ABUNDA

JOLENS

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

KAY SUSAN TAYO

KONTRABIDA NI RYZA

MAC ALEJANDRE

NANGANAK NA ANG KA-LIVE-IN NG SIKAT NA SEXY ACTOR

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with