^

PSN Showbiz

Jacque Esteves, di tuloy kay Jacky Woo!

- Emy Abuan Bautista -
Dissapointed si Jacque Esteves dahil na-shelve ang isang pelikulang pagbibidahan nito katambal si Jacky Woo titled Samurai.

"Pinag-aral pa naman niya ako ng Ingles at karate para sa role ko sa movie pero na-shelve ang proyekto dahil hindi nagkasundo sa production cost. Nagkaroon na kami ng story conference pero wala ring nangyari. Nanghihinayang ako dahil magandang break ito para sa akin dahil bida agad ako. Hindi ko tiyak kung itutuloy pa ang proyekto," sey nito.
Lilipad Na Si Darna
Maswerte sa taong ito si Angel Locsin dahil bukod sa mataas na rating ng Mulawin na malapit nang matapos, pagiging blockbuster ng Let The Love Begin ay alagang-alaga talaga siya ng Siete.

Bibigyan siya ng bonggang promosyon para sa Darna. Balitang sa presscon nito ngayong Marso 15 ay si Louie Ignacio pa ang magiging director dahil lilipad si Darna sa presscon.

Hindi lang sa telebisyon ratsada ang aktres kundi gayundin sa movie. Balik tambalan uli sila ni Richard Gutierrez sa isang pelikula ng Regal.
Nalilinya Sa Pagiging Kontrabida!
Regular na rin sa SOP Gigsters si Margaret Wilson na isa sa finalist ng MTV VJ Hunt kasama sina Chynna Ortaleza at Christian Esteban. Kasama na rin ito sa Saang Sulok ng Langit bilang kontrabida ni Maxene Magalona. Nalilinya nga ang kinse anyos na aktres sa character role gaya sa Let The Love Begin. Pero gusto rin ni Margaret ng iba’t ibang klase ng role. Ang kanyang ina ay isang Pinay at British naman ang ama nito kaya bukod sa pagiging mestisa ay matangkad ito 5’9" kaya nahihirapan silang ihanap ito ng kapareha.

Third year high school ang MTV VJ Hunt finalist pero under siya sa DECS Study Plan.
Utang Na Loob Ang Dapat Pahalagahan
Nagtataka kami kung bakit hindi lumalabas para mainterbyu si Dion Ignacio sa presscon ng SOP Gigsters noong Linggo. Hindi kaya natatakot siya sa dating manager na si Leo Bukas?

Malaki ang naitulong ni Leo para matupad ang pangarap nitong maging artista. Hindi naman ganun kadali na maihanap agad siya ng proyekto dahil bago pa lang ito. Nag-manage din ako noon kay Rochelle Barrameda kaya alam ko ang kalakaran sa showbiz.

Gayun paman naihanap pa nga ito ni Leo ng teleserye sa telebisyon at sana’y maikli lang ang exposure nito mamamatay sana agad si Dion pero sa pakiusap ni Leo ay humaba ang kanyang exposure. Hindi naman ganun kadali ang sumikat. Ngayon ay naghahanap ito ng bagong manager pero mahihirapan siyang humanap ng magma-manage sa kanya dahil nasira na siya. Mahalaga sa isang artista ang marunong tumanaw ng utang na loob. Kung wala ka nito ay baka sa kangkukang ka pulutin balang araw.
BLIND ITEM: Tinuturuan Ng Tamang Ingles Ang Sexy Actress Ng Asawa
Natawa kami sa kwento sa amin ng isang promoter na nakasaksi kung gaano kahina sa Ingles ang sexy star.

Minsan ay nag-dinner ang mag-asawang celebrity kasama ang aking source. Nagkukwentuhan sila at ang sabi ni sexy actress "Sana makapagpatayo tayo ng promotional agency at makapag-recute ng mga talent." Biglang sumabad ang kanyang asawa na aktor din at nag-dialogue ng "Baby, hindi recute, recruit."

Napunta naman sa kalusugan ang kanilang topic. Sabi uli ng aktres "Kailangan pag may sakit nagpapatingin agad sa doctor dahil baka lumala ang sakit dahil sa inspeksyon."

Sumagot uli ang aktor na nakapag-aral naman "Baby, hindi inspeksyon kundi impeksyon" dahil mahal ni actor ang aktres ay pinagtityagaan niya itng turuan.

Pero dahil lista naman ang sexy actress at magaling sumagot sa interbyu ng mga press people ay hindi aakalain na bopol pala ito sa Ingles.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

CENTER

CHRISTIAN ESTEBAN

CHYNNA ORTALEZA

DAHIL

LET THE LOVE BEGIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with