^

PSN Showbiz

Masarap na parang pagkain ang album

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Si Roxie na dating kilala sa tunay niyang pangalang Roxanne Barcelo ay galing din sa isang timpalak ng GMA. Siya ay naging first runner-up sa Metropop Star Search. Naging mainstay din si Roxie sa ilang shows ng network, hanggang sa lumipat siya sa kabila.

Dahil sa higit na nag-concentrate siya sa pag-aaral medyo nawala sa circulation si Roxie; hanggang magkaroon siya ng album from Universal Records. Naging very visible muli siya nang ilabas ang "Roxie" album at nagtuloy ang promo blitz nito sa mga TV shows at leading malls.

This Sunday, abangan ninyong mga malapit sa SM Bacoor ang free showcase ni Roxie, na magsisimula ng alas-4 ng hapon.

Kakantahin ni Roxie ang mga selections sa kanyang debut album tulad ng "Answer The Phone" at ang kanyang hit single na "Kung Alam Mo Lang".

Magkakaroon ng autograph signing session after the show.
* * *
Nakatikim na ba kayo ng isang tunay na masarap na album?

Kung hindi pa, dapat pakingan ninyo ang self-titled album ng Dimsum mula sa GMA Records. Magaling ang bandang ito at sikat ngayon ang kanilang single na "TY4URLuv".

Tiyak na napapanood na rin ninyo ang magandang music video ng kanilang hit single.
* * *
Sa dami ng mga itinanghal na concerts noong Valentine, talagang maraming pagpipilian. Sabi naman nila, lahat kumita dahil ito ang season na lumalabas talaga ang mga lovers o mga mag-asawa upang ipagdiwang ang araw ng mga puso.

Masasabing isa sa pinaka-successful shows ay ang Power of Love ni Ogie Alcasid sa Music Museum. Nagkaroon pa kasi ng extension ang show para maa-accomodate ang marami pang gustong makapanood ng show na kasama sina Rachelle Ann Go at Regine Tolentino.

Kaya huwag na tayong magugulat na tanghalin ding isang concert king si Ogie Alcasid.

vuukle comment

ANSWER THE PHONE

KUNG ALAM MO LANG

METROPOP STAR SEARCH

MUSIC MUSEUM

OGIE ALCASID

POWER OF LOVE

RACHELLE ANN GO

ROXIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with