^

PSN Showbiz

Diether, isang sireno sa 'Marina'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Ngayong gabi, inaasahan na ang pagpasok ni Diether Ocampo sa Marina. Siya ang nakakuha ng role na sireno. Noon pa man, alam ko na na may isang lalaking gaganap na sireno sa nasabing ABS-CBN fantaserye.

The past day ay ipinapakita ang isang lalaking sirena na hindi ipinapakita ang mukha. Pero habang sinusulat ko ito, ay lumabas nang si Diether nga ang lalaking sirena. At ang gwapo-gwapo ni Diether sa pag-angat niya sa tubig. Ang ganda ng ngiti.

Malaki rin ang preparation ni Diether for the role. Nag-undergo siya ng diving lessons. At recently, he was awarded a license. Meaning, isa na siyang lisensyadong diver. Alam n’yo ba na hindi pala basta-basta mag-dive? Kailangan dumaan ka sa training at mabigyan ng certification.

Maswerte talaga si Diether. Hindi siya nawawalan ng regular show sa ABS-CBN. One after the other ay napapasama siya sa isang soap opera.

With Diether’s entry in Marina, makikita na ng tao ang chemistry nila ni Claudine Barretto. Kasalukuyan din nilang tinatapos ang Lihim under Star Cinema. Pero mauuna ang showing ng movie ni Diether with Kristine Hermosa. Isa itong trilogy na magtatampok din sa loveteam nina Heart Evangelista-Geoff Eigenmann at Hero Angeles-Sandara Park.

Ngayong gabi, ipakikilala na si Diether bilang bagong pag-ibig ni Marina.
* * *
Naaaliw ang movie press kay Alwyn Uytingco nang humarap ito sa presscon na ipinatawag ng ABS-CBN Star Magic. Naging very vocal si Alwyn sa kanyang sentiments sa iba’t ibang isyu. Tulad na lamang nang biglang pagkawala ng loveteam nila ni Shaina Magdayao.

"Normal lang naman po sa akin na kahit papa’no, maaapektuhan," sabi nito. "Ang feeling ko at that time, para akong bata na inagawan ng laruan."

Pero ipinaliwanag ni Alwyn na wala siyang galit o sama ng loob kay Jolo Revilla, ang guy na ipinareha kay Shaina.

"Hindi ako sa kanya nagagalit," sabi nito. "Wala akong karapatan. Decision naman po yun ng ABS-CBN, eh. Tinanggap ko na lang."

Tinanong din si Alwyn if he was willing to be friends with Jolo. Sa ngayon, ang Anim-E ang barkada ni Alwyn. Siya raw ang kuya ng grupo.

"Okey lang po. Pero hindi kasi kami ganun kadalas magkita, e."

Sa ngayon, kay Sarah Geronimo ipinapareha si Alwyn. Magkasama sila sa Sarah, The Teen Prncess (seen week days on ABS-CBN).Halos magkasing-edad sina Alwyn at Sarah at kahit papa’no raw, may pinagdaanan silang friendship kahit noon pa.

"Magkasama kami sa Ang TV," kwento ni Alwyn. "Naging friends din ang family namin. Mabait si Sarah, walang ere. At saka, nagagandahan ako sa kanya.
* * *
Naghahanda na ang ABS-CBN para sa pagwawakas ng Mangarap Ka. Next week ay nakatakda nang magtapos ang teleserye na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. At sa mga episodes sa darating na araw, nakatakda na ang malaking rebelasyon sa nasabing teleserye.

Isa na rito ay ang pagsasagupa ni Dragon King at Black Dragon.

Sa isa pang eksena, magtatagisan ng husay sa acting sina Piolo at Patrcik Garcia. At ang rebelasyon sa tunay na katauhan ni Cutie (Angelica Panganiban).

Sa Linggo sa ASAP Mania, mayroong thank you party ang buong cast ng Mangarap Ka. Bukod kina Piolo, Patrick at Angelica, kasama rin dito sina Rio Locsin, Nova Villa, Pinky Amador, Christopher Rojas, Miles Ocampo at iba pa.

Isang pasasalamat yun sa suportang nakuha namin sa mga loyal viewers ng Mangarap Ka," sabi ni Mangarap Ka supervising producer Anna Goma.

Sina Malu Sevilla at Cathy Garcia-Molina ang mga direktor ng Mangarap Ka.

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

ANGELICA PANGANIBAN

ANNA GOMA

CATHY GARCIA-MOLINA

CHRISTOPHER ROJAS

DIETHER

MANGARAP KA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with