^

PSN Showbiz

Judy Ann,binastos sa eroplano ng isang Kano

-
Isang American national mula sa New Jersey ang tinawag na "sitah" si Judy Ann Santos sa loob ng kanilang sinasakyang eroplano, Philippine Airlines (Flight PR 731) sa pagbabalik nila sa bansa noong July 25. Sa walang kadahilanan ay binastos siya ng naturang banyaga na ayon sa mga ilang pasahero, talagang maangas ito kaya maraming iritado sa kanya lalo na ang mga Pinoy na pasahero na nagkataong mga tagahanga ng aktres na gustong kuyugin at bugbugin ang bastos na Amerikano.

Nag-file ng complaint ang magkapatid na Juday at Jeffrey sa paglapag nila sa NAIA laban sa bastos na Kano kaya lang, nagkataong connecting flight ang estado nito, mula Bangkok patungong Manila at pabalik sa America. Ito ang dahilan kung bakit hindi ito na-hold sa airport.

Ayon sa nalikom naming source, buong tapang na hinarap ng magkapatid ang bastos na dayuhan sa pag-intervene ng NAIA officials na very concerned sa magkapatid lalo na sa aktres kaya nag-apologize ang Kano sa magkapatid na Santos.

Sa pinakahuling balita tungkol sa bagong fantaserye ni Juday, ang Krystala, nagsimula na itong mag-taping noong nakaraang Martes sa Tanay, Rizal kung saan nagtayo ng maliit na village na siyang pinanggalingan ng bida ng fantaserye. Masyadong magastos ang proyektong ito ayon sa executive producer na si Ms. Julie Ann Benitez dahil umabot na sa milyones ang pagpapagawa ng naturang village at kailangan pa nilang lagyan ng graba ang daanan patungo sa naturang lugar. Lalong nadagdagan ang gastos nang inanod ng baha ang graba kaya kailangan nilang tambakan uli ito.

Habang naghahanap pa sila ng isang bulkan na siyang pag-aalayan kay Juday bilang Tala para hindi matuloy ang pagsabog ng bulkan sa istorya. Dagdag gastos uli, pagdating sa isinuot ni Juday bilang Krystala.

Nakadalawang costume na ang aktres pero wala pa rin itong natipuhan. Magaganda ang design na ipinalit kita sa kanya at katunayan may napili na siya kaya lang hindi na niya nagustuhan ang pagkayari. Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

AMERIKANO

ISANG AMERICAN

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

JULIE ANN BENITEZ

KANO

KRYSTALA

NEW JERSEY

PHILIPPINE AIRLINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with