^

PSN Showbiz

Nadine Samonte,itinangging nililigawan siya ni Oyo Boy !

-
Napapabalita ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Nadine Samonte at Oyo Boy Sotto simula ng maging loveteam sila sa teleserye ng GMA-7 na Ikaw Sa Puso Ko. Dahil dito ay naging usap-usapan na umano’y may pagkakaunawaan na sila kung kaya’t napabalita rin na binabakuran na ni Oyo ang dalaga upang maiiwas ito sa ibang manliligaw.

Pinabulaanan naman ni Nadine ang lahat ng napapabalita tungkol sa kanila. "Malapit lang kami sa isa’t isa dahil wala namang dahilan para mag-iwasan. Kailangan lang namin ang bonding para sa aming programa. Wala naman pong masama kung manligaw siya at kahit na sino. Karapatan nila iyon. Kay Oyo, wala akong masasabi tungkol sa kanyang pagiging super bait at napakamaalalahanin. Nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya at hindi naman siya mahirap mahalin kung sakali, kaso lang hindi pa naman siya pormal na nanliligaw sa akin. Isa pa, hindi pa talaga ako pwedeng magpaligaw dahil may pangarap pa akong gustong marating. Sa ngayon ay priority ko ang aking pag-aaral at ang aking career bilang artista."

Ayon naman daw sa mga beloved parents ni Oyo na sina Dina Bonnevie at Vic Sotto, sang-ayon sila at botong boto kay Nadine para kay Oyo. Gustung-gusto nga raw ni Dina si Nadine kaysa naman daw manligaw pa sa iba ang anak na hindi niya nasisiguro kung matino.

May usap-usapan pa na bibigyan ng pelikula si Nadine ng M-ZET Production na makakasama niya umano ang mag-anak na Sotto. LC

vuukle comment

AYON

DAHIL

DINA BONNEVIE

IKAW SA PUSO KO

KAY OYO

NADINE

NADINE SAMONTE

OYO

OYO BOY SOTTO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with