Jolina,paborito ng MTV Pilipinas
() - July 15, 2004 - 12:00am
Ipinagmamalaki ng GMA Records na ang isa nilang artist, si Jolina Magdangal, ay napiling Favorite Female Artist para sa music video ng kanyang awiting "Bahala Na" sa katatapos na MTV Pilipinas Awards 2004.

Apat na kalahok ang tinalo ni Jolina kasama na ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, Sarah Geronimo, R&B singer Nina at si Roselle Nava.

Ang music video ng "Bahala Na" ay dinirek ni Louie Ignacio na nominado rin bilang Best Director.

Ang album na "Forever Jolina" na kung saan galing ang "Bahala Na" ay nabigyan na ng gold record award at hanggang ngayon ay nananatiling most requested song sa radyo at music TV.

Ang latest single ni Jolina na kuha sa album ay pinamagatang "Parang Baliw", isang revival ng isang Sharon Cuneta original.

BAHALA NA BEST DIRECTOR FAVORITE FEMALE ARTIST FOREVER JOLINA JOLINA JOLINA MAGDANGAL LANI MISALUCHA LOUIE IGNACIO PARANG BALIW
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with