^

PSN Showbiz

Dumaan ba lahat sa audition ang 10 Second Chance Taker ng '30 Days'

- Veronica R. Samio -
Sa gitna ng ma-kontrobersyang pagpapakilala sa media ng 10 napili ng GMA7 para bigyan ng second chance at makabalik sa kanilang pag-aartista, (hindi malinaw ang criteria tungkol sa pagpili sa 10 dahil ang akala ng lahat ay mga halos limot ng artista ang mga makikita namin pero marami sa kanila ang aktibo pa rin sa kanilang pag-aartista at bagaman at nawala na ang iba sa kanila, ito naman ay hindi pa natatagalan) ay binulungan ako ng katabi kong media practitioner cum talent manager/booker na hindi raw lahat ng 10 ay nagdaan sa audition. Kwento raw ito sa kanya ng isa sa pumasok sa 15 pero nawala sa Magic 10.

Ang dalawa raw na ito ay sina William Thio at Biboy Ramirez, na isa sa kinuwestyon ng press ang pagpasok sapagkat aktibo pa naman daw ang career nito, hindi pa siya nawawala sa eksena na di tulad nina Jackie Forster, Diego Castro at Raven Villanueva na bagaman at palaging laman ng mga balita pero wala ng career na matatawag.

Kinuwestyon din si Bianca Lapuz dahil kasali ito at napapanood sa kasalukuyan sa soap opera na It Might Be You. Sinabi nito na ito ang unang assignment niya pagkaraan ng pitong taon pero, nagpaalam na raw siya sa nasabing palabas in favor of 30 Days. Ito ay matapos siyang taray-tarayan daw ng isang taga- ABS CBN.

Kung totoo ngang may mga di dumaan sa audition, unfair ito sa mga natanggal na talaga namang wala nang career at gustong mabigyan ng second chance. Tulad ni William (at sina Jao Mapa, Rita Magdalena, Shirley Fuentes, Sharmaine Santiago, Joseph Hizon, atbp) na sinasabing di nag-audition.

Okay din na maging Second Chance Taker (ito ang tawag sa 10 napili) si Anna Larrucea na matagal nang di nakikita dahil mas pinili nito ang mag-aral na lamang kesa tanggapin ang maraming bold offers na dumarating sa kanya. Ayaw pa rin niyang mag-bold hanggang sa ngayon na tinutulan ng maraming kasamahan sa hanapbuhay dahil dapat daw ay hindi ito nagbibigay ng limitasyon sa kanyang sarili bilang artista. Pero, paano nga kung talagang ayaw niyang mag-bold, ibig sabihin ba, di na siya pwedeng sumikat?

Ganundin si Janna Victoria na matapos ang Lagarista ay nakuntento na lamang sa pagnenegosyo ng sabong pampaputi kesa magtanggal ng damit sa harap ng kamera.

Hindi ko napapansin, matagal na palang wala sa eksena si Dale Villar na kasama sa 10, at si Dino Guevarra na gusto ring balikan ang trabahong natutunan na nilang mahalin.

Kapana-panabik kung sino sa 10 ang muling magniningning ang pangalan sa langit-langitan ng pelikula. Nasa mga kamay nina Christopher de Leon at Lolit Solis bilang judges ang kapalaran nila. At sana tulad din ng mga naunang reality based artista search, silang 10 ay makatagpo ng ikalawang pagkakataon.
* * *
Hindi naman nakapagtataka kung bakit nami-maintain ni Francine Prieto ang kanyang magandang pangangatawan. Hindi naman pala siya palakain. Kanin lang at Knorr ay okay na siya, busog na siya.

More daring si Francine sa
Liberated 2 ng Seiko Films, isang dahilan kung bakit pinipilit nila siyang intrigahin sa kanyang co-star sa movie na si Diana Zubiri pero, never silang nagtagumpay dahil ayaw ng away ni Francine, di siya pumapatol sa mga intriga at kontrobersya.

Nang palitan niya si
Aubrey Miles bilang endorser ng Bench, marami ang nag-akalang makakakita sila ng tarayan pero, nabigo sila, walang narinig kay Aubrey, paano pa magkakaro’n kay Francine ? Kinuha rin siya ng isang mobile service provider para maging modelo nito sa Korea. Dun sikat na sikat na si Francine dahil ang mga larawan niya at video ay pwede nang i-download via MMS.

Hindi rin niya kinailangang ipagtanggol ang sarili sa inaasahan ng marami na pagsasalita ni
Kris Aquino nang palitan niya ito bilang modelo sa isang napaka-laking billboard sa Edsa.

"Hindi talaga ako ang tipong pumapatol sa mga gulo. Quiet lang ako, tama na yung may trabaho ako at kung kailangang mag-promote ako for the movie, game ako, trabaho ito pero ayaw ko na gagawan ako ng intriga para sa promo ng movie," dagdag ni Francine na nakapagtataka na bilang isa sa itinuturing na pinaka-seksing babae sa pelikula ay never na naugnay ang pangalan sa kahit na sinong aktor.

"May nagpapa-cute pero, walang boyfriend pero, maraming nagti-text. Di rin ako mahilig lumabas, imbes na ilabas ko ng bahay, ipagpahinga ko na lamang," say muli ng artistang pumayag gumanap sa maraming seksing eksena sa
Liberated 2.

AKO

ANNA LARRUCEA

AUBREY MILES

FRANCINE

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with