^

PSN Showbiz

Babae ba o lalaki si Mura?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Tinatapos na ni Bayani Agbayani ang pelikulang Otso Otso (Pamela Mela Wan) under Star Cinema. Sila ni Vhong Navarro ang bida rito. In fact, set for showing na ito sa March. Kwento ito ng dalawang magkapatid na pinaghiwalay at birth ay napunta sa magkaibigang pamilya.

Naikwento ni Bayani nang dalawin namin ang set ng movie kamakailan, ang friendship nila ni Vhong.

"Magkaibigan na kami noon pa," he recalls. "Magkasama kami noon sa show na Super Laff In. Wala pa kaming mga sariling sasakyan noon. From then on, hindi kailanman nasira ang friendship namin."

Hanga rin si Bayani sa kakaibang istilo ng pagpapatawa ni Vhong.

"May style siyang sa kanya lang talaga. Pero kahit ako, natatawa sa kanya," sabi pa ni Bayani.

Kasama rin sa cast ng Otso Otso (Pamela Mela Wan) sina Tessie Tomas, Michelle Bayle, Cherry Lou, Dexter Doria, Angelene Aguilar at Karel Marquez. Si Jerry Lopez-Sineneng ang director nito.
* * *
It’s refreshing to see Bernadette Sembrano in a morning program. Noong Lunes, pormal nang winelkam si Bernadette bilang isa sa main host ng Magandang Umaga Bayan along with Tintin Bersola, Julius Babao, Nina Corpuz at Erwin Tulfo.

Okey ang kumbinasyon nila bilang hosts ng programa. Nagku-compliment ang kahusayan nila bilang hosts. Okey pala talaga si Bernadette. Bukod sa mahusay na, maganda pa. Refreshing ang beauty niya. ‘Di ba’t naging girlfriend siya noon ni Congressman Noynoy Aquino?

Tiyak na magiging malaking asset si Bernadette sa MUB. ‘Yung mga followers niya noong nasa GMA 7 pa siya ay tiyak na naglipatan na rin.

Ang MUB ay isa lang sa mga shows ni Bernadette sa ABS-CBN. May sarili rin siyang show na nakatakdang i-launch, ang Lukso ng Dugo ay isang reality show about people’s lives.

Sa aura ni Bernadette, halatang masaya siya sa ginawa niyang paglipat mula sa GMA 7 to ABS-CBN 2. She is being managed by Genesis Entertainment, Inc.
* * *
Kwento ng buhay ni Mura ang tampok sa Maalaala Mo Kaya bukas ng gabi. Sa nasabing episode, ilalahad ang naging buhay ni Mura sa kinalakihan niyang lugar sa Bicol. Hindi biro ang hirap ni Mura sa kanyang paglaki.

Hanggang sa dumating ang swerte sa kanyang buhay. Naging artista siya sa pelikula at telebisyon. Ngayon ay isa na siyang well-loved personality sa showbiz. Pero sa pagdating ng nasabing oportunidad, kasabay din ng intriga sa buhay ni Mura. Pinagdudahan ang kanyang kasarian. Marami ang nagtatanong kung totoong babae nga ba si Mura. Kung isa man siyang lalake, ano ang dahilan at inilihim ito?

Nangako naman ang mga kaibigan naming taga-MMK na sasagutin na ang malaking katanungang ito na bumabalot sa pagkatao ni Mura.

Si Mura mismo ang gaganap sa kanyang lifestory. Si Joyce Bernal ang nagdirek ng episode.

vuukle comment

ANGELENE AGUILAR

BAYANI

BAYANI AGBAYANI

BERNADETTE

BERNADETTE SEMBRANO

CHERRY LOU

CONGRESSMAN NOYNOY AQUINO

OTSO OTSO

PAMELA MELA WAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with