^

PSN Showbiz

Ian,dinaig si Boyet sa acting

-
Muling sumabak sa acting si Ian de Leon nang maging panauhin itong artista sa May Puso Ang Batas, ang teledrama ng RPN-9 na kinabibilangan ng mga pangunahing bituin na sina Gary Estrada, Boots Anson Roa, Pinky de Leon at Sen. John Osmeña.

Hostage taker ang naging role niya rito. Hinostage niya ang mga empleyado rito at higit sa lahat ay ang nagtaray sa kanyang si Feliza (Pinky de Leon). Makatindig balahibong drama ang nangyari. Pag-aagawan sa baril hanggang sa makabaril at makapatay.

Nang matapos ang take ay napalugmok si Ian sa pagod at panunuyo ng lalamunan dahil sa kasisigaw sa eksena. Agad naman siyang dinulutan ng tubig habang nagsipalakpakan naman ang taong naroon lalo na ang mga kasamahan niyang artista. Lahat ay humanga sa kanyang ginawa. Marami ang sumambit na higit na mahusay si Ian kaysa sa kanyang amang si Boyet. Humble naman siya at sinabing, "Idol ko ang daddy ko at very professional. Hindi ko siya mahihigitan at mapantayan ko lamang siya ay maligaya na ako."

Ngayong si Boyet ay nasa GMA 7 na ay hinihikayat nito si Ian na doon na rin. "Sana nga, kaya lang ay nasa ABS-CBN ang manager ko," dagdag pa niya. Luz Candaba

vuukle comment

BOOTS ANSON ROA

BOYET

FELIZA

GARY ESTRADA

HINOSTAGE

IAN

JOHN OSME

LUZ CANDABA

MAY PUSO ANG BATAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with