^

PSN Showbiz

Mymy, may international movie

-
Sobrang excited ngayon si Mymy Davao dahil sa partisipasyon nito sa isang international movie na kukunan ang kabuuan sa bansang Israel. Isa siya sa mga ipinatawag ng foreign producers para sa audition ng naturang pelikula at ganoon na lamang ang kanyang pagpapasalamat dahil siya ang magiging bidang babae sa The Caregiver.

Kararating lang nito mula sa ilang show sa Guam at napakagandang pasalubong sa kanya ng kanyang manager na si Tita Angge ang balitang pina-audition siya sa naturang pelikula sa bansang Israel.

Makakatambal niya si Raymond Bagatsing na siyang gaganap ng title role. Magsasabay sina Raymond at Mymy sa pagpunta sa Israel.

Maraming nagsasabing posibleng abutin ng Kapaskuhan doon si Mymy pero, okay lang ito kay Mymy dahil pangarap nitong makapag-Pasko sa lugar kung saan mismo isinilang si Hesus. — Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

CAREGIVER

HESUS

ISA

KAPASKUHAN

KARARATING

MAGSASABAY

MYMY

MYMY DAVAO

RAYMOND BAGATSING

TITA ANGGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with