^

PSN Showbiz

Hubo't hubad sa presscon

- Veronica R. Samio -
Hindi ko masyadong inintindi ang kapatid sa hanapbuhay na si Billy Balbastro nang masalubong ko sa Twin Towers sa Escolta at sabihin nitong nakita niyang nakahubad si Clarissa. Of course, he was referring to Clarissa Mercado, ang artista na inilulunsad ng Leo Films sa pagiging bida sa pelikulang Mapanukso at siya ring sadya ko ng hapong yun.

Nagtaka ako nang abutan ko ang maraming tao sa labas ng opisina ng Leo Films sa Penthouse ng Twin Towers. Nagsisiksikan sila sa pagsilip ng kung ano sa glass walls. Nakita ko yung janitor na bagaman at hindi tumitigil sa paglalampaso ay panay ang sulyap sa salamin na kung saan maraming tao ang nagkakagulo.

Nang makapasok ako, nakita ko na nagkakalipumpon sa isang round table ang maraming press photographer. Sa harap ng mesa, nakaupo ang maraming entertainment press at nagi-interview kay Clarissa na hubo’t hubad. Medyo napaatras ako at umandar ang aking pagka-manang. First time ko yun na makumbida sa isang pa-interview na ang kakapanayamin ay walang damit, hubo’t hubad. Ako ang unang nahiya. Sa halip na makipagsiksikan, umupo ako sa isang sofa sa may di kalayuan sa kinauupuan ni Clarissa.

Nagtaka ako, di siya kinakabahan, swabe ang boses niya at parang walang anuman na sumasagot sa maraming katanungan ng press.

Di ko alam, katabi ko pala ang manager ni Clarissa na tensyonadang-tensyonada, dahil kaya, sa hubad ang alaga niya? Pero, bakit siya pumayag kung ganun pala namang di rin siya mapapalagay? Kung siya kinakabahan, lalo na siguro ang alaga niya na walang kasaplot-saplot sa katawan.

Nang kinailangang lumipat si Clarissa ng lugar para sa pictorial, parang walang anumang naglakad ito patungo sa isa pang receiving room niya na kung saan ay nakakuha ito ng isang throw pillow na ipinantakip niya ng katawan habang kinukunan siya ng larawan. Buti na lang, whewwwww!!!!!

Much much later, nang makaalis na ang mga photogs at movie writers, nilabas niya kami nina Eugene Asis at Vinia Vivar at nag-bigay ng isa pang interview. This time fully clothed na siya, naka-mini skirt at bikini top.

"Kinabahan ako ng una pero nang tumagal na parang walang anuman," sagot niya sa tanong kung ano ang naramdaman niya nang humarap siya ng nakahubad sa press.

"Kung yun ang kinakailangan para mai-promote ang movie ko, okay lang sa akin. But I won’t do it outside of this place. Like sa isang malaki at general presscon. Okay lang sa harap ng press pero, di sa harap ng kung sinu-sinong mga tao," ang dadag pa ni Clarissa na ang talagang pangarap sa showbiz ay makilalang isang mahusay na singer. Kaya nga ang idolo niya ay si Patricia Javier na sinasabi ng marami na kamukha niya. Pati kutis nila ay magkatulad, medyo nasa dark side. At magka-katawan sila, medyo, smaller version nga lamang siya. Malalaki ang buto ni Patricia.

"Kumakanta na ako before pa, sa mga fiestas, sa mga corporate affairs, kapag naiimbitahan ng mga kaibigan at mga kaibigan ng kaibigan pero, hindi professionally, walang bayad, para exposure lang.

"Sa isang karaoke bar ako na-discover. May talent scout na nakita sa akin at inalok akong mag-model. Dito ako nagsimula, model ako bago naging artista," sabi niya.

Nakakatatlong pelikula pa lamang si Clarisa. Mayroon pang siyam na kailangan niyang gawin sa loob ng dalawang taon na tulad ng nakasaad sa kanyang kontrata sa Leo Films.

Dahil dito, unti-unti na niyang naipapagawa ang kanilang bahay sa GMA Cavite. "Kaya nga nagdarasal ako na sana bigyan pa ako ng chance na mapatapos ko ang bahay namin. Makita ko man lamang na may kinapuntahan ang kinita ko," sabi niya.

Itinanggi rin niya na may gap sila ni Tracy Torres dahil ginawa itong suporta sa kanyang launching movie.

"Hindi ito totoo. Okay lang kay Tracy na suportahan ako dahil ginawa ko rin naman ito sa launching movie niya na Punla. Give and take lamang naman kami sa isa’t isa," pagtatanggol niya.

"Sana kahit maraming intriga, magtuloy-tuloy lang ang career ko. Kaya kong i-handle ang mga gulo, basta alam kong nasa likod ko ang producer ko, mga co-stars ko, lalung lalo na ang pamilya ko," pagtatapos niya.

vuukle comment

AKO

CLARISSA

KAYA

KUNG

LEO FILMS

NIYA

SIYA

TWIN TOWERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with