^

PSN Showbiz

Dapat magkaiba ang artista sa telebisyon at pelikula

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Taong 1984 nang tawaging megastar si Sharon Cuneta. Simula noon, sinasabi na ng mga observers ng industriya ng entertainment na wala nang kinilalang mga bagong superstars. Mayroong panahon na inakala natin na may mga bago nang sisikat, pero hindi naman tumagal ang kanilang popularidad. Hindi rin naman nagkaroon ng sapat na rami ng mga fans para maabot ang status ng isang superstar.

Bakit walang bagong superstars? Hindi naman masasabing nariyan pa kasi ang mga sikat dahil bihira na lang namang gumawa ng pelikula sina Nora at Vilma. Si Sharon naman ay hindi na rin ganoon kadalas sa trabaho niya. Bakit walang bagong sumikat?

Iyang krisis na iyan ay nakita na noon pa ng yumaong direktor na si Leroy Salvador. Nasabi na sa amin ni Kuya Leroy noon pa man na nakikita niyang sa mga susunod na taon ay walang artistang aabot sa status ng isang superstar dahil masyado silang babad sa telebisyon.

Hindi mo masukat ang popularidad nila, kasi libre lang naman ang panonood sa kanila sa TV, at saka nadadaya naman iyang ratings. Kung iyon ngang mga awards nabibili eh ratings pa ba ang hindi mababayaran.

Sa US, talagang hiwalay ang mga artista sa pelikula at mga artista sa telebisyon. Hindi pinaghahalo iyan. Dito naman sa atin, ipinagpipilitan nilang paghaluin. Iyong mga pelikula ng mga TV stars, hindi kumikita. Sino ba naman kasi ang magbabayad para mapanood sila eh nakikita na sila nang libre. Iyong mga artista naman sa pelikula na nabababad na rin sa TV, bagsak na rin ang mga kasunod pang project.

Talagang magkalaban ang TV at ang pelikula. Hindi namin alam kung kailan nila matatanggap ang katotohanang iyan.
* * *
Ito, totoo ang sasabihin namin. Hindi naman sa pagyayabang, siguro nga kung mayroon man sa industriyang ito na nakasubaybay nang husto sa piracy, kami na iyon. Wala pa iyang VRB na iyan, alam na namin ang gimmick ng mga pirata.

Bagsak ang presyo ng pirated DVD sa Malaysia ngayon. Pumapatak na sampung piso lamang ang puhunan sa bawat isa. Pagdating niyan sa backdoor ng Pilipinas, doon sa Zamboanga, bente pesos na ang halaga ng isa.

Ibibiyahe pa iyan sa Maynila, kaya ang presyo ng pirated na DVD ngayon sa sentro ng piracy sa Maynila, doon sa Elizondo ay 60 pesos ang isa. Iyang mga bagsakan ng pirated video sa Elizondo, ang siyang nagsu-supply sa 80 porsiyento ng market sa buong Luzon. Hanggang mga taga-Baguio, diyan sa Elizondo kumukuha.
* * *
Ganoon na lang kung utus-utusan at sigaw-sigawan ng isang sexy female star ang kanyang nanay. Marami ang natatakot na baka makarma siya, at bigla na lang mawala ang suwerte niya dahil sa ginagawa niya sa nanay niya.

Ngayon nga wala na siya halos pelikula eh, kahit na lumipat pa siya ng home studio. Baka nga nagsisimula na ang karma.

vuukle comment

BAKIT

ELIZONDO

IYANG

IYONG

KUYA LEROY

LEROY SALVADOR

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with