^

PSN Showbiz

Ace, Maricel di nakayanan ang buhay asawa

THAT'S ENTETAINMENT - Kuya Germs -
Nabalitaan ko, hiwalay na raw ang mag-asawang Ace Espinosa at Maricel Morales! Hindi naman sana totoo ‘to.

Ano ba mga anak, bumigay na ba kayo? Kung itinuturing n’yo akong ama-amahan, sana kinausap man lamang n’yo ako.

Baka kahit papaano ay nakatulong ako sa inyo. Kung kagipitan lang ang dahilan, maisasalba pa ang pagsasama n’yo. Mayro’n naman kayong talino na magagamit n’yo.

Mayro’n namang TV na kahit paano ay makapagbibigay sa inyo ng kabuhayan. Pero, h’wag na h’wag kayong gi-give up. Inuulit ko, pagsubok lamang ito.
* * *
Ang saya-saya ng birthday ko. Muli, napatunayan ko na napakarami ng nagmamahal sa akin. Napaka-raming dumating para bumati, halos di nga sila magkasya sa programa ko. Pero kailangang bigyan puwang ko sila dahilan sa hindi naman sila basta basta artista, mga sikat na sila, mga bunga ng maraming taon nating pagtulong nung nagsisimula pa lamang sila sa That’s Entertainment.

Ang mas nagbigay sa akin ng ibayong kasiyahan ay ang pagdating maging ng mga hindi taga-That’s na si Sharon Cuneta, o si Gloria Romero o ang Superstar na si Nora Aunor? Pero, andun sila, nagbigay ningning sa aking simpleng selebrasyon na kakalimutan ko na sana dahil tumatanda na tayo. Ayaw ko nang maalala ang pagdagdag ng taon sa aking buhay pero, paano mo di pahahalagahan ang mga taong ito?

Muli, pinaligaya ako ng aking nag-iisang anak, si Federico Moreno at ang manugang ko si Shiela at ang apat kong apo, mga ligaya ko sa buhay. Binigyan niya ako ng isang surprised party sa Moomba at alam na alam niya kung sino ang mga dapat niyang imbitahin, mga taong gusto kong makasama sa aking kaarawan.

Muli, salamat sa lahat ng nakaalala, pati na kina dating Pangulong Erap Estrada na nagpadala sa akin ng lansones, ubas at kastanyas through his son, Jinggoy na dumating kasama si Daboy.
* * *
Nakikiramay ako at maging ang pinamumunuan kong Katipunan ng mga Artista sa Pelikula at ng Pilipino at Telebisyon (KAPPT) sa pagpanaw ng isang iginagalang na entertainment editor, si Julie Fe Navarro ng People’s Tonight. Sumakabilang buhay si Julie matapos ang ilang linggong pagkakaratay sa ospital. Nakikiramay ako sa kanyang mga anak at pamilya.

ACE ESPINOSA

FEDERICO MORENO

GLORIA ROMERO

JULIE FE NAVARRO

MARICEL MORALES

MAYRO

MULI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with