^

PSN Showbiz

Lani Misalucha, may duet kay Sergio Mendez

-
Masaya sa mga araw na ito si Lani Misalucha dahil sa nalalapit na show ni Sergio Mendez kasama ang banda nitong Brazil 2003. Sa palabas na ito ay hindi siya magpo-front act kundi bahagi siya ng palabas at katunayan, may dalawang kanta ng grupo na kakantahin ng Pinay na mang-aawit at isa rito ay makakadweto niya si Mendez. "Actually mayroon akong solo na gagawin, ‘yong "Night And Day" na kasama ko ang banda at iyong idudweto namin ni Sergio na ‘Bridges’."

Walang record album o voice tape ni Lani na narinig si Mendez pero ayon sa balita ay agad itong sumang-ayon na makasama si Lani sa show. "Ang pagkasabi sa akin, if ever, this is the very first time Sergio will be singing with an artist doon sa bansang pagpi-perpormahan niya. He hasn’t done any show anywhere in this part of this world na nakipag-duet siya sa isang local talent."

Isang malaking prebilihiyo para kay Lani na makasama sa show at isang malaking karangalan sa kanya kung imbitahin siyang maging guest member ng banda. Gustuhin man ng mang-aawit ay hindi nito puwedeng iwan ang umaariba niyang singing career, "I don’t think I can do that because I’m already a solo performer."

vuukle comment

GUSTUHIN

ISANG

LANI

LANI MISALUCHA

MASAYA

MENDEZ

NIGHT AND DAY

SERGIO

SERGIO MENDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with