Victor at Angelika break na!
July 9, 2003 | 12:00am
Hindi pa ipinagsasabi ng dalawa nina Angelika dela Cruz at Victor Neri na tinapos na nila ang napaka-bata nilang relasyon pero, ayon sa aking source na taga-Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin ay sila lamang ang nakakahalata sa pagbabago ng relasyon ng dalawa. Bagaman at pilit na ikinukubli pa rin ng dalawa ang nasira nilang relasyon, nag-gi-guest pa rin sila ng magkasama sa ilang mga shows at tumatanggap ng mga engagements na magkasama, marami na sa mga kasamahan nila sa soap ang nakakaalam ng tunay na estado ng kanilang relasyon.
Hindi ma-pin point ng aking source ang tunay na dahilan ng break-up ng dalawa pero, sabi niya ay hinulaan ng marami na hindi magtatagal ang relasyon ng dalawa sapagkat marami pang plano sa buhay si Angelika na maaaring masira sapagkat seryoso na raw ang aktor sa kanilang relasyon.
Abangan na lang natin ang mga susunod na kabanata sa magandang pag-iibigang ito na mauuwi lamang sa kalungkutan.
Ang grand finals ay magaganap sa katapusan ng Agosto.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















