^

PSN Showbiz

Search for a Star, nasa GMA na!

- Veronica R. Samio -
Muling mapapanood ang hinahangaan n’yong amateur singing contest sa telebisyon na nagpakilala sa ating lahat sa 15 taong gulang na singing sensation na nagngangalang Sarah Geronimo. Sikat na si Sarah ngayon, marami na siyang mga shows and concerts bukod pa sa gumagawa na siya ng pelikula sa Viva, isa sa mga ito ay nagtatampok sa kanila ni Jolina Magdangal.

Nag-iba na ng titulo ang programa. Dating Star For A Night ito pero, ngayon ay Search For A Star na. From IBC 13, lumipat na ito ng GMA7 at mapapanood tuwing Sabado, 6:00 n.g. pero si Regine Velasquez pa rin ang host. Ang hindi nagbabago ay ang contest mechanics nito bagaman at nadagdagan ang premyo na matatanggap ng tatanghaling champion. Bukod sa P1M, may bahay at lupa pa siya na mapapanalunan.

Ideal si Regine na maging host ng programa, sa isang kaparehong pakontes din siya nadiskubre, sa Bagong Kampeon. Ang pagiging host ng programa ang kanyang kontribusyon para makatulong na magningning ang marami nating undiscovered talents. "Marami akong tinanggap na offers, musical variety, sitcom, drama pero, nag-decide akong ito ang tanggapin because it will make it easy for aspiring singers," anang Asia’s Songbird.
*****
Hindi napanghawakan ni Gng. Ellen Lising ang binitawan niyang pangako sa kanyang sarili nung ipabasbas niya ang kanyang ika-6th na branch ng Ellen Lising’s sa Libis, QC. Sinabi niya na yun na ang magiging panghuli niyang branch.

Mayroon siyang bagong branch sa Timog, ang Ellen’s Surgical Centre at mayroon pang dalawang karagdagang branches sa Bacoor, Cavite at Angeles City, Pampanga.

"Wala akong magawa dahil marami ang requests," anang karinyosang proprietress ng mga nasabing aesthetic centers na nagpapaka-dalubhasa sa pampaganda ng walang surgery, gaya ng facelift, pag-aalis ng eyebags, permanent eyebrow, eyeliner and lipstick, eyelash perming, eyebrow correction, facial and laser treatment, warts removal, foot scrub, instant body peeling at marami pang iba.

Ang Ellen’s Surgical Centre sa Timog na nasa pagmamaneho ng isa sa mga anak ni Ellen na si Janice M. Lising ang tanging branch na gumagawa ng nose, face and bust lifts, breast augmentation, eyebag removal, slit eye, tummy tuck, liposuction, scar revision, chin augmentation at dermabrasion.

Kaya kung di kayo maganda, kasalanan n’yo na! Ang bumubuo ng medical specialists dito ay ang mga doktor na sina Hector M. Santos, Jr., Laurence T. Loh, Ellen Lising at Jocelyn Ang.

Sa Timog lamang makakakuha ng 20% discount sa lahat ng major and surgical services.

Ilan sa mga artista at celebrities whose faces are touched by Ellen’s magic ay sina Mayor Kate Gordon, Eddie Baddeo, Victor Neri, Rey PJ Abellana, Patrick Garcia, Carlos Morales, Melanie Marquez, Evangeline Pascual, Daisy Reyes, Elizabeth Oropesa at marami pang iba.
*****
Dalawang oras kong pinanood ang Meteor Garden nung Linggo ng hapon. Walang choice dahil pinanonood ito ng aking anak na nagdu-doktor na akala ko ay nagpapaka-cheap dahil avid fan ng show.

Pam-bagets talaga ang programa, napaka-simple ng plot kaya kahit bata gusto. Hindi rin gwapo sa akin ang bidang si Dao Ming Zi , mas type ko si Wat Zi Lei pero, nakipag-debate talaga sa akin ang anak ko na nakiusap sa isang friend niya na ipag-tape siya ng palabas ng buong linggo dahil gabi na siya natatapos sa school. Nakipanood naman ako at nag-enjoy ako.

Sayang, hindi madadala dito ng ABS CBN ang grupo dahil matagal na pala silang disbanded. I’m sure may kanya- kanya nang career ang apat tulad nang gumaganap ng role ni Shan Chai na si Barbie Xu Xi Yuan na isa ring singer.

Nakaswerte ang Channel 2 sa Meteor Garden. Ang dating nangungunang programa sa oras na ito na Extra Extra ay sumasakit ang ulo sa pag-iisip ng paraan para mabawi nila ang kanilang standing.

vuukle comment

ANG ELLEN

ANGELES CITY

BAGONG KAMPEON

BARBIE XU XI YUAN

CARLOS MORALES

DAISY REYES

DAO MING ZI

ELLEN LISING

SURGICAL CENTRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with