Nag-iisang gay actress si Ian
June 6, 2003 | 12:00am
Nag-iisa lang ngayon si Ian Valdez sa kanyang field bilang gay actress ng local movie industry. Lahatin mo na, walang muher tayong gay na puwedeng maging girl at magpa-sexy sa pelikula kundi si Ian lang. Yes, sa latest flick ni Ian na Kikirot-Kirot, Titibok-Tibok na pinalitan na yata ng Kekembot-Kembot, Kikirot-Kirot, may lovescene siya kina Allen Dizon at Mon Confiado. At take note, balitang na turn-on yata ang dalawang sexy-actors sa kanya.
Lucky charm ng Taurus Films at ATB-4 si Ian. Lahat naman kasi ng pelikulang sinalihan ng talent-promoter actress ay pawang mga kumikita sa takilya. Ilan sa big hits movie ni Ian ay ang mga sumusunod. Pick-UP Girls, Virgin People 3, Bayaran, Boldstar etc. May bagong movie na sino-shoot ngayon si Ian.
Last March 25 sa Miss Gay Philippines 2003 na ginanap sa Hotel Rembrandt, naging anchorwoman si Ian.
Successful ang lahat ng negosyo ngayon ni Ian. Lalo na ang kanyang talent promotion at custom design sa Cartimar Pasay. Dinudumog din ng mga barako ang kanyang Tisoy Club sa Novaliches. Mahusay din na singer si Ian kaya pwede rin siyang imbitahan sa mga show o anumang affair.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended

























