^

PSN Showbiz

April Boys, may bagong album

-
Tulad ng isang sikat na komersyal, hottah na hottah ang bagong album ng magkapatid na April Boys na sina Vingo at Jimmy. Pinamagatang U2L, namamayagpag sa FM stations ang carier single nitong "Kahit Mahirap Lang." Panay na rin ang requests sa iba pang awiting nakapaloob dito tulad ng "Nagmamahal Nang Tapat", DJ Ng Aking Radyo" at "Di Madadala sa Langit." Mula sa Concorde Records, ang initial results ng album ay nagpapatunay lamang na patuloy pa rin sa paghataw ang tinaguriang "Air Supply of the Philippines."

"Kahit sa mall tour na isinasagawa namin nationwide," wika ng ad prom manager na si Ruby Suico, "mainit na mainit ang pagtanggap ng publiko sa kanila. Kung si April Boy Regino, ‘idol’ ang tawag sa kanya, ‘utol’ naman ang isinisigaw kina Vingo at Jimmy. Ibig sabihin nito’y ganap nang nakakawala ang dalawa sa anino ng kanilang nakatatandang kapatid. May sarili na silang tagahanga, ika nga. At dahil dito’y nagiging mabili ang album nang higit sa aming inaasahan."

Bukod sa mga nabanggit na, ang iba pang kantang kabilang sa album na U2L ay ang "Hanggang Ngayon", "Pa-promise Promise", "Hanggang Maaga" at "Sana Maniwala Sa Akin." Lahat ng mga ito’y orihinal na komposisyon nina Vingo at Jimmy. Ayon sa kanila: "Ginagawa namin ito upang ipakita sa lahat na sa kabila ng mga intriga at problema, nandito pa rin kami na lalo pang nagsisikap na makapagdulot ng aliw sa mga tagatangkilik ng musikang OPM."

Iyan ang bagong April Boys-makiawit, makisaya...maki-hottah hottah sa kanila ngayong tag-init.

vuukle comment

AIR SUPPLY

APRIL BOY REGINO

APRIL BOYS

CONCORDE RECORDS

DI MADADALA

HANGGANG MAAGA

HANGGANG NGAYON

KAHIT MAHIRAP LANG

VINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with