^

PSN Showbiz

Jenny Rosendahl binabantayan ng magulang

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Maswerte si Jenny Rosendahl dahil sa sobrang concern na ipinakikita ng kanyang magulang kung saan kasa-kasama niya ang mga ito maski sa kanyang presscon at kahit sa taping o syuting. Proud na proud ang mga magulang nito sa kanya, ang kanyang German dad at Pinay na mommy. Gusto naman ni Jenny na binabantayan siya dahil feeling niya safe na safe siya.

After A.B. Normal College ay handa na sa breast exposure ang magandang aktres.
Daniel, Sali Sa Soap Opera Ng Syete
Higit na gwapo at mukhang bata ngayon si Bulacan Senior Board Member Daniel Fernando. Sali na rin ito sa soap opera na Kung Mawawala Ka bilang Chief of Staff ng AFP na kung saan gumaganap na presidente si Eddie Garcia.

Kahit abala sa pagiging bokal ay hindi pa rin ito nawawalan ng offer sa pelikula at telebisyon dahil napakagaling nitong artista.

Ayon kay Daniel, dahil sa sobrang kaabalahan sa trabaho-pag-aartista at pulitika – ay nasasakripisyo nito ang pag-ibig. Nakipaghiwalay sa kanya ang dating nobya dahil sa kakulangan niya ng panahon dito.

"Naniniwala pa rin ako na kusang darating ang pag-ibig at kapag dumating na ang tamang babae para sa akin ay lalagay na rin kami sa tahimik. Syempre pangarap ko ring magkaroon ng magandang pamilya sa piling ng aking asawa at mga anak," ani Daniel.
Rufa Mae, Nali-Link Naman Kay Congressman Chuck Mathay
Inamin ni Rufa Mae Quinto sa presscon ng A.B. Normal College na linggu-linggo ay iba’t ibang lalaki ang inili-link sa kanya.

"Grabe na ito! Ngayon naman ay kay Congressman Chuck Mathay. Mabuti na lang at kaibigan ko si Ara Mina kaya hindi siya apektado sa tsismis dahil hindi ko naman siya kilalang mabuti. Nasasaktan nga ako at feeling ko ay aping-api na ako dahil sa tsismis. Mabuti pa sila may alam pero ako walang nalalaman diyan. Dati kapag may movie ako ay nali-link ako sa aking mga leading men. Buwan-buwan ay iba’t ibang lalaki ang itinutukso sa akin pero ngayon ay linggu-linggo na."

vuukle comment

ARA MINA

BULACAN SENIOR BOARD MEMBER

CHIEF OF STAFF

CONGRESSMAN CHUCK MATHAY

DAHIL

DANIEL FERNANDO

EDDIE GARCIA

KUNG MAWAWALA KA

NORMAL COLLEGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with