^

PSN Showbiz

Carlos Agassi, movie producer na

-
Huwag kayong mabibigla kung ang magdadalawampu’t tatlong taong gulang (Disyembre 16, 1979) na si Carlos Agassi ay magpu-produce na ng pelikula sa susunod na taon. Ang pagiging movie producer ay karagdagan lamang sa kanyang napakaraming business endeavors (Dickies USA Concept Store, Alabang Town Center, Foot Trip, The Loop, ABS-CBN and a 2nd branch is soon to open at Glorietta Mall Makati. Sosyo sila rito nina Kris Aquino at Zsazsa Padilla). Actually, idea ng kanyang ama ito matapos na mapanood sila ng The Hunks sa isang konsyerto nila sa abroad. Ang The Hunks ang magiging star sa pelikula na iko-co-produce niya with Star Cinema sa susunod na taon.

Maganda ang takbo ng career ni Carlos. Kasali siya for the first time sa isang Metro Manila Filmfest movie, ang Dekada ‘70. Isa siya sa mga anak ni Vilma Santos. Opposite ang characters nila ni Piolo Pascual. Maaga siyang nakapag-asawa nang mapikot siya ni Dimples Romana.

"
As I told Vilma, sabi ko pwede na akong mamatay dahil nakasama ko na siya sa pelikula. I’m happy to be a part of the movie.

"After being paired with Claudine (Barretto in Sa Dulo Ng Walang Hanggan), I hope that ABS CBN will continue to trust me and give me projects like Dekada & Sa Dulo...

"Mayroon nga pala akong isang eksena sa Dekada with Vilma which I find very amusing. I am shown talking to a girl and at the same time holding my "thing". Kinuha niya ang kamay ko at pinagalitan niya ako. Now she calls me a bold actor."

Carlos is likewise ready with his new album, a product of his collaboration with Andrew E. Nagtatampok ito ng naughty hiphop hanggang hardcore rap songs. Ngayon mapapanood n’yo na siya sa TV, maririnig n’yo pa rin siya sa radyo. Also, you’ll see him live sa Disyembre 14, sa kanyang birthday concert sa Glorietta Activity Center. Makakasama niya ang mga hottest bands at celebrity friends. Sa dami ng kanyang makakasama at sa laki ng programa, nagtataka ba kayo kung bakit libre ang palabas? Huwag !!!! Birthday niya at ito ang regalo niya sa inyo.

May bago ring commercial si Carlos para sa Shakey’s. Tatlong taon na siyang endorser ng nasabing brand of pizza and with his face in every Shakey’s store, masasabing nakatulong siya ng malaki sa popularidad nito.

Sa taong ito, nakagawa siya ng dalawang endorsement para dito, ang Cheeseburger Pizza at ang Pepperoni Crunch na inilabas lamang nung Nob. 8 sa pamamagitan ng isang TV commercial, print ads at in-store merchandising.

vuukle comment

ALABANG TOWN CENTER

ANDREW E

AS I

CARLOS AGASSI

CHEESEBURGER PIZZA

CONCEPT STORE

DEKADA

DIMPLES ROMANA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with