^

PSN Showbiz

Big break ni Carlo Muñoz!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Grabe ang pagiging hardworking ni Erwin Tulfo. Imagine, gabi-gabi ay napapanood natin siya sa Headlines with Pia Hontiveros at kinaumagahan naman ay sa Magandang Umaga Bayan. Plus ang pagiging main host ng Mission X, isa sa pinaka-popular na programa sa News & Current Affairs department ng ABS-CBN.

Although hindi na rin dapat pagtakhan if Erwin is given the best exposure among the talents of the news department. Bukod sa pagiging masipag, I personally believe na isa sa pinakamahusay si Erwin. May paninindigan at credibility.

Ang nakakatuwa pa kay Erwin, iba’t ibang istilo o imahe niya sa kanyang tatlong programa. Pinakagusto namin si Erwin sa MUB. Siya ang pinakaistrikto at hard-hitting. Kapag may katiwaliang naamoy, may banat agad siya. Pumapasok ang kanyang kapilyuhan kapag may mga guests na sexy stars. At dahil committed na si Julius Babao (sa kaibigan naming Tintin Bersola), kay Erwin ikinakabit ang pangalan ng female guest. Very vocal naman ang mga female guests sa pagsasabing malakas talaga ang appeal ni Erwin.

Nakakaaliw ang reaksyon ni Erwin kapag pilyo ang blind item ng kaibigang Ogie Diaz sa kanyang "Mga Uhaw sa Blind Items" portion. May isang insidente nga na si Erwin pala yung identity ng blind item ni Ogie. It was Ogie’s way of making the viewers aware kung anong pagkatao ni Erwin. Doon namin nalaman na likas kay Erwin ang pagiging matulungin sa mga mahihirap.

Gusto namin siyang batiin sa tagumpay na tinatamasa niya. Dahil may talent siya at hardworking, tiyak na ang kanyang lalo pang tagumpay.
* * *
Dapat sigurong turuan ng proper ethics ang Kuwago, isang bagong rap group at kung saan mang-recording company ito nakakontra ay sila ang dapat magturo. Isang show kung saan magkasama ang Kuwago at si Von Arroyo, nakita ang kabastusan ng said rap group. Ang nangyari pala, habang kumakanta si Von, namigay ng posters, photos at nag-sign ng autograph ang miyembro ng Kuwago. Dahil doon, nabuwisit ang mga manonood dahil naistorbo nila ang performance ni Von.

Malinaw na isang kabastusan itong ginawa ng Kuwago! Dapat din ay hindi ito ina-allow ng producer ng show.

"First song pa lang ni Von, nambabastos na sila! Hinintay pa nila ang second song para sila umalis. Buti na lang, to the rescue ang bouncer ng venue ng show," kwento ng isang colleague na naka-witness ng pangyayari.

Na-witness din ng grupong Jeremiah ang kawalang modo ng grupong Kuwago. At dahil sa pangit na asal ng Kuwago, malinaw na nagpapakontrobersyal ito. Gustong magpapansin. Siguro iniisip nila na pag-uusapan sila sa kanilang ginawa.

Ang hindi nila alam, unang impression na makikita sa kanila ng publiko ay hindi na mabubura pa. Kung saan mang recording company sila nakakontrata, dapat turuan nila ang mga ito ng proper ethics bago tuluyang dumikit sa imahe nila ang pagiging bastos.
* * *
After Pangako Sa ‘Yo, big break ni Carlo Muñoz ang Bituin na magtatampok kina Nora Aunor at Carol Banawa na magsisimula sa Lunes, September 16. Ang Bituin ay ang teleseryeng papalit sa magtatapos nang Jericho Rosales-Kristine Hermosa teleserye.

Sa Bituin, Carlo plays Carol’s love interest. Meaning, siya ang male lead dito dahil wala namang masasabing leading man si Ate Guy. Hindi naman masasabing hindi ito challenging dahil the fact na katrabaho niya si Ate Guy ay isang malaking challenge ito.

Nakakatuwa ang nangyari kay Carlo sa telebisyon. Hindi siya nababakante. Dahil mahusay na aktor, lagi siyang may project. Kahit sa movies ay kinikilala talaga ang husay ni Carlo. In fact, tatlong Best Supporting Actor awards ang naiuwi niya para sa pelikulang Yamashita: The Tiger’s Treasure.

With Carlo and Carol sa isang show, marami ang nagsasabi na posibleng ma-rekindle ang naunsyami nilang relasyon. Di ba’t naging special friends ang dalawa during Kaybol, Ang Bagong TV days nila? Hindi naman malayong mangyari yun dahil pareho silang loveless ngayon.

Bukod din kina Ate Guy, Carol at Carlo, kasama rin sa Bituin sina Cherie Gil, Celia Rodriguez, Michael de Mesa, Gardo Versoza at Desiree del Valle. Mula ito sa direksyon nina Wenn Deramas, John D-Lazatin at Malu Sevilla. Sa Lunes na ang airing nito.

vuukle comment

ANG BAGONG

ATE GUY

BEST SUPPORTING ACTOR

BITUIN

BLIND ITEMS

DAHIL

ERWIN

KUWAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with