^

PSN Showbiz

Gf ni Jao, nanganak na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakapagbulong sa akin na nagsilang na ng isang malusog na baby boy ang matagal ng non-showbiz girlfriend ni Jao Mapa na ngayon ay nagbabalik-pelikula.

Naging matamlay noon ang career ng aktor dahil naging abala siya sa kanyang pag-aaral sa isang sikat na pamantasan. Palibhasa’y mahal ang sining kaya nagpasya itong bumalik uli at ngayon ay visible na naman sa telebisyon.
Iba Pa Rin Ang Ina
Nalulungkot kami sa nangyari kina Mommy Guapa at Isabel Granada. Alam namin kung gaano ka-close ang dalawa.

Tuwing makikita namin ang ina ng aktres ay puro papuri ang maririnig mo sa bibig nito tungkol sa anak kasama na ang mga pinagkakaabalahan nito. Hindi lang siya ina kundi tumayo ring alalay, tagapayo at PRO ni Isa. Ngayon ay nagkaroon ng malaking tampuhan ang mag-ina dahil lang sa pag-ibig ng aktres kay Geryk Genasky. Umalis tuloy ng bansa si Mommy Guapa nang may sama ng loob sa anak.

Maaaring nasa wastong gulang na si Isa para magpasiya sa sarili niya pero iba pa rin ang may isang ina na laging nasa tabi niya at umaalalay sa kanyang problema. Sabi nga ng iba, mawalan ka na ng asawa huwag lang ng ina dahil makakahanap ka ng kahit ilang asawa o nobyo pero ang ina ay iisa lang.

Hindi lubos na kaligayahan ang madarama ni Isa sa piling ng nobyo habang ang ina ay nag-iisang lumuluha na malayo pa sa kanya. Ilan na nga ang mga kaibigan ko ang nagsabing nagsisisi sila at hindi nila naibigay ang sapat na pagmamahal sa kanilang ina noong nabubuhay pa. Saka nila na-realize ang pagkakamali nang ito’y mawala na sa kanilang buhay.

Habang buhay pa si Mommy Guapa ay ma-realize sana ni Isa ang pagmamahal at pagmamalasakit sa ina. Walang magtatagumpay sa buhay na anak na magiging pabaya sa magulang.
Aiza, Stage Direktor Na
Sa darating na birthday concert ni Aiza Seguerra sa September 26 at 27 sa Music Museum ay first time rin niyang maging stage director. Gusto lang niyang maranasan na gawin ang dalawang bagay. Ngayon ay naghahanda na siya para rito. Nagwo-work out na siya kaya bumaba na ang timbang niya from 125 lbs. to 106 lbs. Nang magbiro ito sa mga taga-Vicor Records.

Bago ang concert ay magiging abala pa rin si Aiza sa mga series of shows sa Japan from September 5-16 kasama si Keempee de Leon. Babalik siya sa kanyang kaarawan na magiging simple lang ang selebrasyon na gagawin sa kanilang bahay. Nakalinya rin ang kanyang stageplay na pinamagatang The Rocky Horror Show kasama sina Michael de Mesa, Bituin Escalante, Calvin Millado at Jeffrey Hidalgo. Sa last week of November ay may show siya sa Reno, Nevada.

Magiging abala rin ang singer sa kanyang Christmas album na pinamagatang "25th of December". Pero sa kabila ng kaabalahan sa kanyang singing commitment ay may panahon pa rin siya sa kanyang pag-aaral sa UST.

Kasama rin si Aiza sa pelikulang lahok ng Regal Films sa darating na MMFF na pinamagatang Singsing Ni Lola.
Maganda Ang Samahan Ng ‘Lunchbreak Muna’
Sa isang pakikipagkwentuhan kay Estela Ledesma na may mataas na posisyon sa MMG Films at MMG Entertainment ay masaya niyang ibinalita na nagri-rate ngayon ang kanilang bagong bihis na Lunchbreak Muna.

Lagi silang nagmi-meeting at nagkakaroon ng brainstorming session para sa ikagaganda ng show.

Higit sa lahat, natutuwa si Estela dahil maganda ang samahan ng mga bumubuo sa programa at naiiwasan habang maaga ang intriga sa bawat isa.
‘Spider’, Psychological-Thriller Movie
May universal appeal ang psychological-thriller movie na Spider. Ito’y tumatalakay sa isang problemadong bata na nakasaksi sa brutal na pagpatay ng kanyang ama sa kanyang ina. Ang masakit, pinalitan niya (ama) ng isang prostitute na si Yvonne. Lumaking dala sa dibdib ang poot sa ama kaya sa pagdaan ng maraming taon ay bumuo ito ng plano para makapaghiganti. Pero sa kanyang pagtanda ay sari-saring trahedya naman ang naganap kaya nawala ito sa sarili. Uminom siya ng gamot para malunasan ang nararamdaman pero bigla niya itong itinigil hanggang lalong naging grabe ang kanyang nadama na para bang sasabog ang kanyang utak.

Maganda ang mensaheng nakapaloob sa Spider kung saan nawawala ang isang tao sa katinuan ng pag-iisip dahil sa mga trauma na nararanasan sa buhay sapul pa sa pagkabata.

Palabas na ito sa September 18 at handog ng Solar Films.

AIZA

CENTER

INA

ISA

KANYANG

LUNCHBREAK MUNA

MOMMY GUAPA

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with