^

PSN Showbiz

Nini Jacinto nanganak na!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nanganak na si Nini Jacinto courtesy ng kanyang Japanese boyfriend. Isang malusog na baby boy ang isinilang nito at pinangalanang Shinji. Ang cute ng baby at namana ang mukha ng kanyang ama.

Nami-miss na rin ng aktres ang paglabas sa pelikula at balak niyang ipagpatuloy ang pag-aartista kapag malaki-laki na ang sanggol. Pero iba naman ang gusto ng Japanese boyfriend nito kung saan balak niyang isama sa Japan si Nini para doon na manirahan sa piling nilang mag-ama. Wala namang magiging problema sakaling di na muling mag-artista pa si Nini dahil madatung ang kanyang mahal.
Magaling Na Direktor Si Dingdong
Saludo si Gladys Reyes kay Dingdong Dantes na naging direktor niya sa isang episode ng Kakabakaba ng GMA-7 na ipinalabas noong Sabado. "Cool siya at relaxed at magaling magtrabaho. Imagine Tita, ang ganda ng eksenang gumagalaw ang manika kung saan ginamitan ito ng special effects. Alam kong magtatagumpay si Dingdong bilang direktor balang araw sakaling maisipan niyang magdirek din sa pelikula," anang aktres.
Offie, Nais Magprodyus Ng Pelikula
Hindi lang concert ang gustong iprodyus ng magandang si Ofelia Sayo Angeles kundi maging movies. Dati siyang aktres na ngayon ay nagbabalik-showbiz. "Kapag may tao akong mapagkakatiwalaan to handle the production ay posible akong magprodyus ng pelikula. Pero hindi ibig sabihin ay ako ang magiging artista. Siguro behind the cameras lang ang magiging papel ko," aniya.

Ilan sa mga memorable films na nagawa ni Offie ay ang Diablo Force na idinirek ni William Mayo, Maria Luisa Brigade na tinampukan nina Ronnie Ricketts at Shirley Tesoro at Huwag Mo Akong Isumpa kasama sina Lorna Tolentino at Ronaldo Valdez. Dalawang Linggo din itong naging semi-regular sa TV program na Yagit bilang mataray na tiyahin ni Hero Bautista.

Lagi itong sumusubaybay sa Maalaala Mo Kaya kaya nang biruin namin kung gusto niyang lumabas doon sa isang magandang role ay biglang kumislap ang mga mata nito sabay wikang "Why not!"

Balak niyang magprodyus ng concert na maglulunsad sa kanyang alagang si Melvyn Dizon bilang solo artist. Nakita niyang may potensyal sa pag-awit ang binata kaya gusto niyang tulungan ito.
Danica, Hindi Retokada
Isa si Danica Sotto sa hinahangaan naming artista dahil matalino at may prinsipyo sa buhay. Noong ngang Father’s Day, napaluha kami nang bigyan nito ng message ang ama at sinabing kung bibigyan uli siya ng pagkakataong mabuhay ay si Vic Sotto pa rin ang gusto niyang maging daddy.

Tungkol sa isyung ecstasy, nalulungkot si Danica kapag nakakabasa ng mga balita kung saan naiintriga ang mga kabarkadang sina Cogie Domingo at Sunshine Dizon. Payag siyang magpa-drug test para patunayan na never siyang tumikim nito kahit gumigimik sila tuwing weekends. Nangako rin siya sa mga magulang na never siyang gagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Wala pang offer para gawin niya ang remake ng Katorse kaya hindi totoong nagparetoke siya bilang paghahanda dito. Inamin nito na hindi siya magiging miyembro ng "Salamat Po, Doktor" at kuntento na siya sa kanyang katawan. Ipinaliwanag din nito na sakaling gawin ang remake ng Katorse ay hindi naman siya maghuhubad. Ipinaliwanag nito na nagpa-sexy lang sa said movie ang kanyang ina at may konting wet look pero never na ibinilad ang katawan.
Angelika-Mark, Bagay Na Pareha
Pumasok na rin sa Ikaw Lang ang Mamahalin si Mark Anthony Fernandez bilang obsessed lover ni Katherine o Angelika dela Cruz. Excited nga ang aktor dahil noon pa ay gusto na niyang makapareha ang magaling na aktres. Akala nga nito ay may gagawin silang pelikula sa Regal Films pero hindi natuloy.

Higit na guwapo ngayon ang aktor dahil nadagdagan ito ng timbang.

Posible kayang ma-in love ang aktor kay Angelika? Balita na noon pa man ay matindi na ang crush nito sa aktres. "Tita, parang kapatid ko lang si Mark at mabait naman siya sa akin. Masarap siyang katrabaho at maganda ang working relationship namin. I consider him a good friend dahil very caring siya lalo na kapag magkasama kaming dalawa," aniya.

Habang wala pang pelikulang ginagawa si Angelika ay kaliwa’t kanan naman ang mga shows nito lalo na sa iba’t ibang panig ng lalawigan. Sa isang buwan ay babalik siya ng Japan for a show.

vuukle comment

ANGELIKA

BAGAY NA PAREHA

CENTER

COGIE DOMINGO

DALAWANG LINGGO

NITO

NIYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with