^

PSN Showbiz

Nagbu-bold dahil sa pera

- Veronica R. Samio -
Dating DI (Dance Instructress) si Camille Roxas sa Oasis Club sa Pampanga nang makita siya ng manager ni Karla Estrada. Agad ay kinumbinsi siya nito na pumunta ng Maynila at pasukin ang pelikula. Mas malaki raw ang kikitain niya rito. Makikilala pa siya.

"Malaki rin naman ang kita ko bilang DI. Mga P400 per hour ang bayad sa akin, pwera pa rito ang libreng drinks. Karamihan sa mga nagiging kliyente ko ay mga generous naman kaya malaki rin ang take home pay ko. Di bababa sa P3,000 a night," anang sexy star na kasama sa cast ng Masarap Ba Ang Bawal? ng Sunlight Films, under the direction of Roland Ledesma.

"Sinubukan ko naman. Pumunta ako ng Maynila. Parang namamasyal lang. Nakituloy ako sa bahay ng isang kaibigan. Nagdi-re-diretso na. Ni hindi na ako pinag-workshop.

"Bida agad ako sa Mapanuksong Hiyas katambal si Ricky Davao. Di ko expected na magbu-bold ako. Ang alam ko nung una, wala akong sexy scene pero, nung ika-9th day, pilit na akong pinaghuhubad. Ayoko nung una pero, sinabi sa akin na hindi ako mababayaran kung hindi ako susunod kaya, ayun, nagkaroon ako ng shower scene.

"Noon at hanggang sa ngayon naman, nagsi-sexy ako for the money. Pero, hindi pa ako nagtu-totally nude. Hanggang boobs lang ang ipinakikita ko," dagdag pa ni Camille na ang asset pala talaga bukod sa maganda niyang mukha ay ang kanyang malusog na boobs na aniya ay hindi pinaunlad ng siyensya. Natural ang laki nito. "Kung may ipababago sa katawan ko, ito ang puwet ko. Gusto kong palakihin para bumagay sa boobs ko," aniya.

Ang role niya sa Masarap Ba Ang Bawal? ay asawa ni Mike Magat na nagkaroon ng relasyon kay Pyar Mirasol. Mayroon silang mainit na love scene. Ganun din si Pyar kay Mike at pati na kay JC Castro.
*****
Dalawa pa sa tatlong best bet for stardom ng ABS-CBN Talent Center ay sina Pia Romero at Bea Alonzo. Kasama si Angelene Aguilar, tatangkaing pasikatin ang tatlo sa tradisyon ng Underage, Triplets at 13,14, 15.

Mataas na si Pia sa gulang na 14 na taon. Tumatayo na siya ng 5"5' at nagsabing gusto niyang mag-join ng beauty contest. Sa kasalukuyan ay paborito siyang cover girl ng mga magasin para sa bagets gaya ng
Candy Magazine. Modelo rin siya ng Her Bench at Avon.

Sixteen years old naman si Bea na anak ng isang British father and a Filipino mother. Katulad ni Pia, malaki ang potensyal niya na maging isang beauty queen. Katunayan, nadiskubre siya nang maging runner-up siya sa
Bb. Santolan. Nakasama siya sa Batch 10 ng Star Circle. She is currently making the rounds in various ABS-CBN shows.

vuukle comment

AKO

ANGELENE AGUILAR

BEA ALONZO

CAMILLE ROXAS

CANDY MAGAZINE

DANCE INSTRUCTRESS

HER BENCH

MASARAP BA ANG BAWAL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with