Annabel: "Di pa handang mag-asawa si Ruffa"
February 9, 2002 | 12:00am
Kasalukuyang nagbabakasyon sa Turkey ang mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabel Rama sa imbitasyon ng nobyo ng kanilang anak na si Ruffa Gutierrez na si Yilmaz Bektas. Paraan na rin siguro ito ng binatang Muslim na ipakita sa mga magulang ng kanyang nobya na malinis ang intensyon niya rito at handa siyang pakasalan ito.
Ilang araw ding nanatili rito si Yilmaz na kung saan ay napatunayan ni Annabel na talagang hindi pa handa ang kanyang dalaga na mag-asawa. Ayon sa isang nagkwento sa akin ay hindi pa rin daw sawa sa paglabas-labas si Ruffa at palagi pa raw nakadikit ang tenga nito sa kanyang cellphone kung kaya minsan ay inihagis ni Yilmaz ang telepono ni Ruffa sa labas ng kotse habang patungo sa isang okasyon. Ganito raw ka-seloso ang binatang Muslim kay Ruffa. And to think na kasama ng dalawang magkasintahan sina Annabel at Eddie nang maganap ang tapunan ng isang mamahaling cellphone.
Balitang ang pagpunta nina Eddie at Annabel sa Turkey ay pagbibigay lamang sa imbitasyon ng mamanugangin nila. Pero, hinihinala rin ni Annabel na baka hingin na ni Yilmaz ang kamay ng kanilang anak pero nananalig pa rin ang gererang ina na makukumbinse niya ang anak na ipagpaliban muna ng mga dalawang taon ang pag-aasawa nito.
Mayroon talagang tao na maswerte. Gaya ng 17 taong gulang na showbiz newcomer na si Liway Sanchez na 17 araw pa lamang na nakikipagsapalaran sa larangan ng showbiz pero agad ay nabigyan ng break sa mga programang Idol Ko si Kap na tampok si Bong Revilla at Daddy Di Do Du na pinangungunahan naman ni Vic Sotto.
Sa kanyang murang gulang ay mataas na si Liway, 57", na bagay maging isang fashion model pero talagang pangarap niyang maging isang artista. "Limang taon pa lamang ako ay talagang mahilig na ako sa mga artista. Madalas pinanonood ko sina Sharon Cuneta at Vilma Santos at sinabi ko sa aking sarili na magiging kagaya nila ako.
"Si Joseph Lagua, ang founder at president ng PNMC ang nagdala sa akin sa kasalukuyang mga manager ko, sina Rene Reyes at Bing Adorna.
"Nung una, tinanggihan nila ako. Nadala sa maraming ulit na pag-iwan sa kanila ng mga pinaghirapang mga talino. Nagbago lamang ng isip nang makita na baka nga naman maiba ako sa mga una nilang talino.
"Sana, matulungan nila akong matupad ang aking pangarap. Sana," sabing may dasal ni Liway na sinusuportahan ng kanyang mga magulang na sina G. David at Gng. Nancy Yenshaw at ng kapatid na si David Joseph.
Nagalit pala si Rommel Adducul nang mag-bold ang girlfriend niyang si Assunta de Rossi. Ito bale ang nag-trigger sa split ng dalawa. Marami pa ang umaasam na magkakabalikan pa sila nung hindi pa nagpapakita ng katawan ang Filipino-Italian actress pero ang lahat ng pag-asa ay napunta sa wala nang finally ay nag-join na si Assunta sa boldwagon.
"Gusto kasi niya ay siya lamang ang makakita ng katawan ko kapag kasal na kami," paliwanag ni Assunta during the MMFF appreciation dinner sa Wack Wack Club House na dinaluhan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
Ilang araw ding nanatili rito si Yilmaz na kung saan ay napatunayan ni Annabel na talagang hindi pa handa ang kanyang dalaga na mag-asawa. Ayon sa isang nagkwento sa akin ay hindi pa rin daw sawa sa paglabas-labas si Ruffa at palagi pa raw nakadikit ang tenga nito sa kanyang cellphone kung kaya minsan ay inihagis ni Yilmaz ang telepono ni Ruffa sa labas ng kotse habang patungo sa isang okasyon. Ganito raw ka-seloso ang binatang Muslim kay Ruffa. And to think na kasama ng dalawang magkasintahan sina Annabel at Eddie nang maganap ang tapunan ng isang mamahaling cellphone.
Balitang ang pagpunta nina Eddie at Annabel sa Turkey ay pagbibigay lamang sa imbitasyon ng mamanugangin nila. Pero, hinihinala rin ni Annabel na baka hingin na ni Yilmaz ang kamay ng kanilang anak pero nananalig pa rin ang gererang ina na makukumbinse niya ang anak na ipagpaliban muna ng mga dalawang taon ang pag-aasawa nito.
Sa kanyang murang gulang ay mataas na si Liway, 57", na bagay maging isang fashion model pero talagang pangarap niyang maging isang artista. "Limang taon pa lamang ako ay talagang mahilig na ako sa mga artista. Madalas pinanonood ko sina Sharon Cuneta at Vilma Santos at sinabi ko sa aking sarili na magiging kagaya nila ako.
"Si Joseph Lagua, ang founder at president ng PNMC ang nagdala sa akin sa kasalukuyang mga manager ko, sina Rene Reyes at Bing Adorna.
"Nung una, tinanggihan nila ako. Nadala sa maraming ulit na pag-iwan sa kanila ng mga pinaghirapang mga talino. Nagbago lamang ng isip nang makita na baka nga naman maiba ako sa mga una nilang talino.
"Sana, matulungan nila akong matupad ang aking pangarap. Sana," sabing may dasal ni Liway na sinusuportahan ng kanyang mga magulang na sina G. David at Gng. Nancy Yenshaw at ng kapatid na si David Joseph.
"Gusto kasi niya ay siya lamang ang makakita ng katawan ko kapag kasal na kami," paliwanag ni Assunta during the MMFF appreciation dinner sa Wack Wack Club House na dinaluhan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















