^

PSN Showbiz

Marvin, may concert sa Ratsky-Cebu !

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Very proud na ikinuwento sa amin ni Wenn V. Deramas na first time na mangyari sa isang local movie na gamitan ng state-of-the-art-world class equipment para sa special effects ng pelikulang Kung Ikaw Ay Isang Panaginip topbilled by Jolina Magdangal, Leandro Muñoz and Rafael Rosell IV. Ayon sa mahusay na director, he was allowed by Star Cinema na gamitin ang equipment na galing pa sa Australia.

"The effects used in the movie, ‘yung motion control are the same effects na ginamit sa Moulin Rouge and The Lord of the Rings. Kaya nga happy ako dahil ginastusan ng Star Cinema ang movie. Madugo pero sa nakita kong outcome,worth it naman," sabi ng isa sa pinakamatagumpay na director sa bakuran ng ABS-CBN.

Bukod sa pagiging director, involved din si Direk Wenn sa kuwento na Kung Ikaw Ay Isang Panaginip. Ayon sa kanya, nabuo ang kwento dahil sa isang panaginip niya. "Nanaginip ako ‘tapos naikwento ko kay Tammy (Bejerano), creative manager ng Star Cinema. Hanggang sa mabuo na with writers Ricky Lee and Mel del Rosario. At ngayon, pelikula na."

Umaasa si Direk Wenn na kumita ang pelikula dahil ganito raw ang mga pelikulang gusto niyang i-offer sa publiko. "Sa rami ng problema ng bayan, dapat bigyan sila ng isang masayang pelikula. A movie worth their money. ‘Yung paglabas nila ng sinehan, it’s either happy sila o ma-in love sila."

Para sa kaalaman ng marami, si Direk Wenn ang director ng tatlong pinakamatagumpay na soap opera ng ABS-CBN, ang Mula Sa Puso, Saan Ka Man Naroroon at Sa Dulo ng Walang Hanggan. He has also directed other shows like Maalaala Mo Kaya, Wansapanataym at iba pa.
* * *
Aware si Marvin Agustin na hindi siya singer pero alam din niyang puwede ding ma-improve ang kanyang singing voice. Ganito ang ginawa ng aktor nitong mga huling araw. Nagtiyaga si Marvin na mag-aral ng voice lessons with Rey Lizardo. Dahil sa mabilis na improvement sa kanyang singing, Marvin thought of venturing into another field. Come January 26, isang birthday show ang gagawin ni Marvin billed Whatta Marvin: A Birthday Gig sa Ratsky Cebu at 8 pm. Sponsors ng shows ang Dickies USA, Talk N Text, Air Philippines at Ratsky-Cebu. The show will be directed by Elena dela Vega and the show’s writer is Pear Clemente.

First time ni Marvin na kumanta with live band headed by Rey Lizardo na siya ring musical director ng shows. Marvin will be joined by Patricia Javier and Ethyl Gabison as guest performers.

Sa January 28 naman, bibisitahin ni Marvin ang Asosacion de Damas de Filipinas, isang charitable institution that provides shelter for the homeless. Food and entertainment program will be provided by Jollibee.

O, di ba, bongga ang birthday ni Marvin? Bukod sa birthday concert, may noble deed pa siyang gagawin.

Happy Birthday, Marvin!
* * *
Puspusan ang ginagawang pagwu-work out ngayon ni Baron Geisler. Nakita namin ang malaking improvement sa katawan ni Baron lately. Ayon sa binatang aktor, he wants change in his image. Ayaw na raw niyang magpa-cute na karaniwang nakikita sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

"Gusto ko ng change sa image ko. I want to be more mature. Even sa roles, gusto ko, yung may lalim na. Kaya nga I work out a lot eh. I also do war games. Kasama kami ni Jericho Rosales," kuwento nito.

Sa ngayon, Baron is regularly seen in Tabing Ilog and Recuerdo de Amor. Ang balita ni Baron, he will be given a new loveteam. "Hindi ko pa alam kung sino. Siguro they are experimenting on a new pairing," sabi niya.

Ano na kaya ang mangyayari sa loveteam nila ni Jodi Santamaria?

"Ang alam ko, he will be paired with Patrick (Garcia). Kasi sila rin ang magkasama sa Pangako Sa ’Yo. Okey lang’ yun sa akin. We’re friends pa rin naman, eh."

Wish ni Baron ay muling makagawa ng isang pelikulang makabuluhan ’tulad ng Anak where he played the role of Vilma Santos son.

vuukle comment

A BIRTHDAY GIG

AIR PHILIPPINES

AYON

DIREK WENN

ISANG

KUNG IKAW AY ISANG PANAGINIP

MARVIN

REY LIZARDO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with