^

PSN Showbiz

Eula, biktima rin ng cost-cutting

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Patuloy nating tulungan sa pananalangin ang pamilya Quizon para sa kaligtasan ni Vandolph at gf nitong si Desiree Raquiza matapos ang malagim na aksidente sa kanila.

Paalala lang ang nangyari sa ibang kabataan na nakakalimutan minsan ang paalaala ng magulang. Akala lang kasi ng ibang teenager, kontrabida sa buhay nila ang magulang.

Pero siyempre hindi rin natin puwedeng sisihin si Vandolph sa nangyari dahil masunurin naman siyang anak kung tutuusin. Nagkataon lang na mangyari ang nasabing aksidente, ang pamangkin niyang si Boy II Quizon ang nakakaalam ng kanyang pupuntahan.
* * *
Ano ba itong nangyayari sa industriya natin? Sunud-sunod ang trahedya, at hindi lang basta-basta.

Si Nida Blanca na alam ng lahat na walang kaaway ay walang-awang pinatay. Si Vandolph, grabe ang aksidente. Tapos ito nang si Maria Teresa Carlson na nagpakamatay.

Bakit ba mga artista ang laging biktima ng ganitong pangyayari? Kaya tuloy ’yung ibang manghuhula ay walang ginawa kundi mag-claim na nahulaan niya na ganito ang mangyayari kay ganito at ganoon ang mangyayari kay ganoon.

Ang imbestigasyon kay Nida ay nagiging masalimuot. Hindi mo na alam kung sino ang paniniwalaan mo at kung sino talaga ang nagsasabi ng totoo.

Noong una, maraming nakumbinsi si Phillip Medel sa kanyang sinasabi na siya ang kinuha para patayin si Nida. Pero biglang nagbago ang kanyang testimonya. Bigla niyang nilinis ang pangalan ni Rod Strunk na una niyang sinabi na mastermind sa walang awang pagpatay kay Nida.

Ang nangyari namang pagpapakamatay ni Teresa ay malaking katanungan kung bakit siya nagpakamatay. Sino nga namang tao ang tatalon sa 23rd floor ng isang building kung wala siyang matinding problema?

Sana nga ay magkaroon din ng imbestigasyon sa pagpapakamatay ni Teresa. Si Teresa na sana ang huli sa sunud-sunod na trahedya sa showbiz.
* * *
Ang tao talaga, may masabi lang kahit hindi alam ang kuwento, pinagdudugtung-dugtong ang mga pangyayari. Isang matibay na halimbawa sa ganitong pangyayari si Pops Fernandez na umano’y dahilan ng paghihiwalay ni Nikki Valdez at Troy Montero.

Ilang beses bang sasabihin ni Pops na wala siyang kinalaman sa paghihiwalay nila Nikki at Troy. Kasalanan ba niya kung maghiwalay ang dalawa.

Masama rin bang makitang magkasama si Troy at Pops kung saka-sakali?

Tigilan na natin ang pagtatagni-tagni ng kuwento na ang biktima ay taong walang kaalam-alam sa mga pangyayari.

Pero ano naman ’tong narinig ko na type ni TJ Manotoc si Pops Fernandez? Kunsabagay walang masama. Narinig ko na sinabi ni TJ na wala siyang commitment sa kasalukuyan at ganoon din si Pops.

Walang masama di ba, pareho silang free?

By the way, isa si TJ sa producer ng concert series ni Pops sa January sa Onstage.

Kasama ni TJ bilang producer ng Arian Works si Noli Eala.
* * *
Biktima rin pala si Eula Valdez ng pagtitipid ng ABS-CBN 2.

May nagsabi sa akin na nagrereklamo si Eula dahil hindi na nga gaanong malaki ang talent fee niya, gusto pang bawasan kaya umalma raw ang magaling na aktres. Pakiramdam daw ni Eula kalabisan na ang ginagawa sa kanya samantalang kung tutuusin ay malaki ang naitulong niya para umangat ang Pangako Sa ’Yo.

Pero siguro hindi dapat magpadalus- dalos si Eula dahil kung tutuusin ay malaki rin ang naitulong ng programa sa career niya. Di ba nga’t nanalo pa siyang Best Actress sa Star Awards for TV para sa Pangako Sa ’Yo?

Siguro ginagawa lang ito ng pamunuan ng ABS-CBN dahil sa krisis pang-ekonomiya. Mas mabuti pa nga ’yung ganyan kesa naman magtanggal ng tao, di ba?

vuukle comment

ARIAN WORKS

BEST ACTRESS

DESIREE RAQUIZA

EULA

KUNG

NIDA

PANGAKO SA

PERO

POPS FERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with