^

PSN Showbiz

Akala ko game na ako !

- Veronica R. Samio -
Matagal na akong kinukumbida na maglaro sa mga TV shows. Ito ang bentahe ng mga katulad ko na nasa entertainment business (entertainment writer ako). Kapag may nagbubukas na game show, o kahit na talk show, madalas ay kaming mga movie writers ang unang ipinapain.

Ilang ulit na rin akong naimbita na maglaro sa mga game shows sa telebisyon pero, tinatanggihan ko. Gumagawa ako ng dahilan para makalusot. Takot na takot ako. Unang-una na ay nerbyosa ako. Bagaman at kapag nasa bahay ako at nakikisabay ng laro ay marami akong nasasagot, alam ko na iba kapag may kamera na nakatutok sa akin. At mga ilaw.

True enough, nang maimbita ako na maging isa sa 15 players para sa bagong palabas ng ABS-CBN na Game K N B? hosted by Kris Aquino ay tumanggi ako nung una para sa mga dahilan na sinabi ko. Pero, lubhang mahirap tumanggi sa mga kaibigan. Si Ethel Ramos, isa sa publicist ng kumpanya at isang matagal nang kaibigan ay kaya kong tanggihan pero dahilan sa first time na mag-imbita ni Pat P Daza kung kaya nahiya akong magsabi ng hindi pwede.

I wanted to be beautiful sa harap ng kamera, morale booster, ika nga pero, walang time to go to the hairdresser.

Sa umaga, housewife and mother ako, sa hapon naman, office girl, religiously ito.

Sa araw ng taping, I had to cover my hair with a bandanna. Yung mukha ko, niremedyuhan ng magagaling at mabait na make-up artist ng Dos na si Estrella. Sa briefing pa lamang, nanlalamig na ako. Mula talampakan hanggang anit. Paano kung mahihirap ang questions? Baka mabobo ako. Nakakahiya naman sa mga nakakaalam na bright ako. Paano ba ito? Pwede kayang mahimatay ako at the last moment para may pumalit sa akin?

Nang tawagin ang pangalan ko para umakyat ng stage, wala akong nakita, walang narinig. Kaya nung simulan ang rehearsal at kunwa-kunwariang contest, talo agad ako. Nakalimutan ko na hindi nga pala isda ang blue whale, mammal ito.

When we were all presented one by one, sa pamamagitan ng isang close-up shot, sabi ko wala nang atrasan, tuluy-tuloy na ito. Swerte lamang dahilan sa ako lang ang natirang female contestant. I was the last na matanggal bago ang face off o yung one on one. But I left bago simulan ang final round. Hindi ko na kaya yung tensyon. I never found out hanggang sa sinusulat ko ito kung sino ba ang nanalo.

Masaya sa set ng Game K N B? Magaling magpa-kalma o magpa-relax si Kris Aquino who looked relaxed dahilan sa naka-suot ito ng magandang damit ni Paul Cabral. Di paris nung naka-trench coat siya na bagaman at bagay sa loob ng napaka-lamig na studio ay mainit sa paningin ng mga TV viewers na marahil ay kokonti lamang ang nasa kanilang air-conditioned rooms. Okay din ito para itago ang namimintog na microphone system na dun sa kanyang hita ikinakabit. Nung araw na naglaro ako sa show ay muntik na itong mahulog. It took quite a while bago ito naikabit na muli at ganun pala yun, napakaraming masking tape ang idinidikit sa hita ni Kris na kapag tinatanggal na ay sumasama ang mga balahibo niya. Tsk. Tsk. Tsk. Poor Kris!!!

Bagaman at halos magkakapareho ang mga game shows, it is Kris who makes the difference. Hindi man siya kasing poker-faced ni Edu, kasing cool ni Christopher, kasing kalog nina Vic at Joey, kasing-husay siya ng mga nabanggit na hosts. She also makes it a point na kaibiganin ang mga contestants before the show. Kami nga, ibinigay na yata niya sa amin ang lahat ng respeto at paggalang. Kung pwede nga lamang siguro niyang ibigay ang P1M, baka ginawa na niya para lamang kami masiyahan.

I did not win the P1M. na balak ko sanang gastusin sa kung anu-ano at ibigay sa kung sinu-sino. Nor did I bring home the P10,000, P100,000 at yung iba pang cash prize pero, hindi naman din ako na-zero. I was given an honorarium na para sa akin ay hindi marahil sapat sa kaba at tensyon na inabot ko but pwede na ring wala because, in all honesty, I had a wonderful time.
*****
Ang ganda naman ng concert ni Marco Sison na ginanap sa Music Museum nung Nobyembre 8, 8:30 ng gabi. Nanghihinayang lamang ako na hindi gaanong napuno ang lugar, marahil dahilan sa may bagyo nun o baka naman hindi nila type si Marco na in that case, lugi sila dahilan sa na-miss nila ang isa sa napaka-gandang konsyerto na itinanghal sa nasabing lugar.

Kung boses at boses lang, maituturing na isa sa pangunahing singer ng bansa ang ngayon ay nagpapahingang pulitiko ng probinsya ng Laguna.

Wala pa ring pagbabago ang kanyang boses, maganda pa rin ito at mataginting. Nagawa rin ni Marco na mai-preserve ang kanyang good looks kung kaya maraming kababaihan sa audience ang humahanga pa rin sa kanyang kagandahang lalaki. Kundi baka nagtaka ang audience kung paano siya nagkaroon ng isang binata nang anak na tulad ni Alain Sison na ipinakilala niya bilang kanyang kapatid. Alain used to be a member of the defunct That’s Entertainment program. Magaling din itong singer. Kinanta niya ang isa sa mga lumang hits ng kanyang ama.

May duet sila ni Bituin Escalante na isa palang magaling na singer. Napaka-seksi din nito sa kanyang red and black velvet gowns. May duets din sila ni Eugene Villaluz at ng PUP Chorale.

Ten years na pala mula nung huling mag-concert si Marco pero, ni hindi siya nanibago. Agad na-warm up siya ng magandang salubong ng kanyang audience.

Although the audience liked his standard songs, his own and others, may mga binanatan din siyang awiting pam-bagets na naki-carry niya ng maganda. Isa pang proof kung gaano siya kahusay na performance who only had to rely on his good voice and performance at hindi kailangang mag-resort sa mga gimik na tulad ng mga green jokes and dirty humor.

AKO

ALAIN SISON

KANYANG

KRIS AQUINO

KUNG

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with