^

PSN Showbiz

Serena, hindi talaga kilala si Ate Guy

-
Isa-isang sinagot ng batang aktres na si Serena Dalrymple ang ilan sa mga intrigang kinasalihan niya the last time na makausap pa namin siya sa ABS-CBN one afternoon.

Una na rito, lumalaki raw siyang matigas ang ulo at taklesa. Pangalawa, ang intrigang hindi raw niya kilala si Nora Aunor. At pangatlo, pati raw siya’y natatawa sa estilo ng acting ni Carlos Agassi na kasama niya sa programang Sa Dulo ng Walang Hanggan.

"Wala po akong matandaan na naging taklesa ako o naging matigas ang ulo ko. Hindi ko po alam kung bakit nasabi nila ‘yon," at napangisi na lang siya.

"Tungkol naman po kay Nora Aunor, sinabi ko po talaga na hindi ko siya kilala. Naririnig ko lang ang pangalan niya, pero ‘di ko talaga siya kilala. Wala naman po akong masamang ibig sabihin do’n.

"Sina Tita Vilma (Santos), Tita Maricel (Soriano) at Tita Sharon (Cuneta) ang mga kilala ko, pero siya (Nora) hindi po talaga. Siguro po dahil hindi pa kami nagkakasama," paliwanag pa ng mahusay na child star.

Biniro namin si Serena na baka i-ban siya ng mga Noranians? Baka bigla siyang batuhin at bastusin?

"Huwag naman po sana silang magagalit. Nagsasabi lang po ako ng totoo. Natanong lang po kasi ako. Hindi ko lang po alam kung naging taklesa nga ako sa pagsabi noon," aniya pa.

Tungkol naman kay Carlos Agassi, walang kagatul-gatol na sinabi ni Serena na natatawa rin siya sa style ng acting nito.

"Pero dati po ‘yon. Minsan talaga natatawa ako sa kanya. Pero ngayon po, malaki na ang improvement. Iba na po siya. Tsaka hindi naman po totoo na inaabot kami ng take ten ‘pag kaeksena siya." (Ulat ni Robert Perez)

vuukle comment

CARLOS AGASSI

NORA AUNOR

PERO

ROBERT PEREZ

SA DULO

SERENA DALRYMPLE

SINA TITA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with