Walang gustong tumambal kay Mikey?
September 7, 2001 | 12:00am
Ang pelikula pala ng MMG Films na pagsasamahan sana ng isang anak ng direktor na ipinangalan sa dating presidente ng Amerika na si Ronald Gan at ng bagong artistang anak ng presidente ng Pilipinas na si Mikey Arroyo ay na-shelve muna.
Pero in the meantime, gumagawa si Ronald Gan ng bagong pelikula niya sa MMG at kakaiba ang movie na ito dahil hindi ang tatay niyang si Roland Ledesma ang direktor kundi si Eddie Garcia.
Siguro naman maiiba sa panlasa ng mga fans ni Ronald Gan ang pelikulang ito.
Ang pelikula raw ni Mikey Arroyo ay talagang na-shelve na dahil walang makitang leading lady.
Ang isang pelikulang katulad ng Bakit Di Totohanin ay parang pambawi na lang sa mga pelikulang disaster kamakailan. Pero may mga pelikulang katulad ng kay Judy Ann at Assunta de Rossi na bumabawi-bawi sa takilya at nagpapalapad na naman ng pag-asa ng ating mga producers.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended























