^

PSN Showbiz

Dingdong - Antoinette tandem ayaw ng Viva Films

- Veronica R. Samio -
Marami ang nagtataka kung bakit sa apat na episodes na gagawin ni Antoinette Taus para sa Larawan ng GMA ay wala ni isa mang episode na magkasama sila ni Dingdong Dantes.

Eh sila pa naman daw ang madaling pagtambalin sapagkat magkatambal na sila sa totoong buhay.

Sa isang recent interview kay Antoinette, sinabi niya na hindi nakuha ng GMA ang serbisyo ni Dingdong sapagkat natapat ang mga tapings ng nasabing drama anthology sa mga commitments ni Dingdong.

May conflict sa kanilang schedules. Pero, nasagap ko sa isang source na pupwede naman daw palang magtambal ang dalawa pero, hindi lamang daw pumayag ang Viva na kung saan ay may kontrata si Dingdong. Bagaman at may manager daw na sinusunod si Dingdong, ito ay pagdating lamang sa kontrata niya. Pagdating sa mga makakapareha niya, ang Viva na ang nasusunod at diumano ay ayaw nila sa balikbayan actress sapagkat nang makatapos daw ito ng kontrata sa kanila ay hindi na ito nag-renew. Ito rin daw ang dahilan kung bakit lumiit nang lumiit ang role ni Antoinette sa Anna Karenina which is a Viva project on TV.
*****
Isang taon na ang debosyon na ginagawa ng marami kay Our Lady of Leche, patroness ng mga mothers at expectant mothers. Isang taon na mula nang simulan ito sa Our lady Of Fatima Parish last year through the efforts of Rev. Fr. Nick Blanquisco at mga kasapi ng Our Lady of La Leche Movement sa pamumuno ni Remedios Baby Gonzales.

Ang unang anibersaryo will be observed sa nasabing parokya na matatagpuan sa Liko St. cor. Mariveles, Mandaluyong City. Magkakaroon ng Misa sa ika-10 n.u. at ika-5 n.h. in honor of Our Lady of La Leche. Magkakaroon din ng "Misa ng Pasasalamat" sa Harrison Plaza Chapel sa ika-12 n.h.

Magsisilbing highlight sa mga nasabing Misa ang pagbabasbas sa mga buntis at babaeng may asawa na gustong magka-anak. Gayundin ang mga ina na may problema sa kanilang mga anak. Bibigyan din sila ng special souvenirs after the blessing.
*****
Siguro nga, nagsasawa na ang mga tao na panoorin sa TV ang pag-aaway- away ng ating mga opisyal ng bansa, mga pulis at kasapi ng Armed Forces na tagapangalaga ng bansa kung kaya habang nagtatagal ang hearing ay paunti nang paunti na ang nanonood nito. Marami nga ang nagsabi na panonoorin na lamang nila ang kongklusyon ng hearing at sana raw ay ang mga tunay na may sala ang lumabas. Sa ngayon ay hindi nila malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo at kung sino ang hindi.

Samantala, dahilan sa mga kaganapan na ito, marami tuloy ang bumabalik sa mga sinehan para mag-relax at humanap ng kasiyahan. Ito ang dahilan kung bakit tumatabo ang pelikula ng Star Cinema na Bakit Di Totohanin starring Judy Ann Santos and Piolo Pascual. Maganda nga naman itong pampakalma sa kanilang nagngangalit na damdamin sa mga nabubulgar na mga kaganapan na may kinalaman sa droga at umaapekto sa maraming Pilipino.

Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit malaki ang pag-asa ni Ronnie Ricketts na tatangkilikin ng mga manonood ang kanyang pelikulang Mano Mano 2. Higit daw na maganda ito sa unang Mano Mano hindi lamang sa punto ng pagkakagawa kundi lalo na sa punto ng istorya. Hitik din ito sa hard action at nilagyan ng ilang maiinit na sex scenes nina Rommel Montano at Klaudia Koronel.

"
Hindi ito tulad ng napanood n’yo sa Live Show dahil umiiwas na ako sa mga gano’ng eksena pero maituturing ko pa rin na passionate and heated," anang sexy star. "Willing nga ako kung gugustuhin ni Direk Ronnie na gawing mas bold pa ang role ko although kabado ako na baka ipaulit niya yung mga ginawa ko sa mga naunang movies ko pero, hindi siya ganun, may respeto siya sa mga artista niya. Palagay ko nga nahihiya pa siya habang kinukunan yung eksena namin ni Rommel dahil hindi siya makatingin. Nagpaliwanag siya na hindi siya sanay sa mga ganung eksena. Gusto nga niya sa ibang lugar kunan ang eksena dahil baka raw mabastos yung may-ari ng lugar na ginagamit namin. Nanonood kasi ito ng shooting," ani Klaudia.

"Ginudtime nga niya (Klaudia) ako dahil mas nahihiya pa ako kaysa sa kanya," sabi naman ni Rocketts.

Mas maganda ngayon si Klaudia at light sa paningin. "Siguro dahil at peace na ako at wala na akong problema o galit sa mundo. Nakita ko na ang Diyos at ang bawat problema ko ay sa Kanya ko itinataas, araw-araw, busy man ako o hindi.

"Kinalimutan ko ang sama ng loob ko. Ang pamilya ko muli kong inilapit sa Panginoon. Ngayon, kahit magkahiwalay ang parents ko ay close kami. Sama-sama kaming nagsisimba. Pati tatay ko, takot na takot na mahulihan ko na may babae sa bahay niya dahil dumarating ako dun nang walang pasabi. Sabi ko sa kanya, sasabunutan ko ang sinumang babae na makita ko sa bahay niya," ani Klaudia. "Alam niya umaasa pa ako na magkakabalikan sila ng nanay ko," dagdag pa niya.

vuukle comment

AKO

KLAUDIA

KUNG

MANO MANO

MISA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with