^

PSN Showbiz

Sikat na news anchor, bading

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakapag-syete na kapatid sa hanapbuhay tungkol sa sikat na TV host na hiniwalayan ng kanyang asawa dahil natuklasan ang kabadingan nito. Kahit sa kanilang programa ay lihim na ginagaya ang mga kilos ng TV host lalo na kapag hindi pa ito dumarating.

Maraming nanghihinayang lalo na ang mga kababaihan dahil type pa naman nila ang guwapong TV host. Lalaking-lalaki kasi ito sa panlabas na kaanyuan at magaling pang magsalita kaya iniidolo nila.

Ang sikat na TV host ay nagmula sa isang major station at hot na hot sa kasalukuyan.
John-Vanessa, hiwalay na?
Balitang naghiwalay na sina John Estrada at Vanessa del Bianco kaya hindi na sila nagsasama sa segment sa Magandang Tanghali Bayan. Hindi na rin sila madalas na makitang magkatabi sa programa kung saan umiiwas na ang seksing aktres. Balitang mayroon nang mayamang businessman na manliligaw si Vanessa at inili-link naman ngayon si John kay Victoria London.
Polo-Sunshine, nagkabalikan na?
Kung may hiwalayan blues, sina Sunshine Dizon at Polo Ravales naman ay closed uli.

Ang young actor ang naging escort ng dating ka-loveteam nang mag-debut ito kamakailan.

Kahit pilit na inili-link si Cogie Domingo sa aktres ay hindi ito umubra kahit madalas silang magkasama sa taping ng Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Nagkatampuhan noong nakaraang taon sina Sunshine at Polo hanggang sa magkahiwalay.

Nagkaroon pa nga ng boyfriend ang aktres sa katauhan ni Martin pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon.

Napatunayan ng dalawa na mahal pa rin nila ang isa’t isa. Magkasama sina Sunshine at Polo sa Annakarenina kaya patuloy pa rin ang komunikasyon hanggang sa magkasundong muli.
Niño, di na mambababae
Ngayong isa nang ganap na ama si Niño Muhlach ay ipinangako niya na tapos na rin ang pagiging palikero niya. Inamin niya na maaga na siya kung umuwi ng bahay at tumutulong sa pag-aalaga ng kanilang bahay ni Edith. "Ganito pala ang pakiramdam kapag may anak ka na. Gusto mo ay laging nasa pamilya ka. Ayaw kong masira ang pagtitiwala sa akin ni Edith kaya loyal ako sa kanya. Never na akong mambababae dahil gusto kong ipagmalaki ako ng anak ko," aniya.

Suwerte ang baby ni Onin dahil marami siyang pelikulang ginagawa sa MMG Films kung saan katatapos lang ipalabas ang Mahal Kita, Kahit Sino Ka Pa.
Carmi, saludo kina Angelika at Sunshine
Kahit walang pelikulang ginagawa si Carmi Martin ay ratsada naman siya sa paglabas sa telebisyon. Bukod sa Ikaw Lang Ang Mamahalin ay semi-regular na siya sa Kiss Muna. Natutuwa nga ang seksing aktres dahil in-demand pa rin siya sa kabila ng pamamalagi sa showbiz for 22 years. Ang sikreto ng pagiging matagumpay niyang artista ay ang propesyonalismo at galing sa pag-arte. Ilan sa mga nakasama niya bilang Dolphy’s Angels na sina Anna Marie Gutierrez, Yehlen Catral at Liz Alindogan ay di na aktibo sa showbiz.

Minsan ay may nagtanong kay Carmi kung ano ang reaksyon sa kanya ng tao dahil inaapi niya si Angelika dela Cruz sa telenobela. "Marami nga ang nagagalit sa akin lalo na kapag napadalaw ako sa isang lugar. Maganda naman ito dahil pagpapatunay lang na convincing ang role ko bilang Beatriz na malupit kay Angelika," aniya.

Paano niya pagkukumparahin sina Angel at Sunshine Dizon? "Pareho silang magaling na artista. Fit na fit ang role kay Angelika bilang api-apihan at bagay kay Sunshine ang papel bilang Clarissa na matapang at independent na ampon ng isang prosti. Saludo ako sa kanilang dalawa. Hindi nagkamali ang Syete sa pagkuha sa kanila," pahayag pa ng aktres.
Jolina, di pabor sa Divorce
Sikat na sikat si Jolina Magdangal sa Honolulu kaya laging hit ang show niya roon. Kagagaling lang ng magaling na singer sa nasabing lugar at masaya uli siyang tinanggap ng mga tao sa pangunguna ni Consul General Rolando Gregorio. Naging guest si Jolens sa mga radio at television stations sa Honolulu at dinumog ng maraming tao sa kanyang show at nagkaroon pa ng autograph session.

Naitanong ko kay Jolens kung pabor ba siya sa divorce? Ayon sa singer-actress ay hindi siya pabor dito dahil naniniwala siya na ang marriage ay isang lifetime commitment. "Bakit pa sila magpapakasal at pagkatapos ay maghihiwalay lang? Kung ako ang mag-aasawa ay pipilitin kong maging maganda ang pagsasama namin para maging buo at matatag ang aming pamilya," aniya.

Five years from now ay baka may nobyo na si Jolens. Wala siyang panahon sa pag-ibig ngayon dahil prioridad pa rin ang career. May gagawin siyang pelikula titled Pepay katambal sina Rafael Russel at Leandro Muñoz.

Sa September ay aalis na naman si Jolens for a show sa Saipan at sa October ay may concert sa Reno, Las Vegas at Los Angeles. At pagbalik, dito naman siya magko-concert.
Angelika, Sunshine, ayaw makipag-compete kay Claudine
Sa kabilang banda, natutuwa naman sina Angelika at Sunshine dahil katapat na naman nila ang Sa Dulo ng Walang Hanggan na tinatampukan ni Claudine Barretto sa 7:30 p.m. time. Tiyak na magbabanggaan na naman ang dalawang soap opera.

Inamin nila na hindi sila nakikipagkumpitensya kay Claudine dahil magkakaibigan sila.
Tanya at Tintin, magaling na singer
Naging matagumpay ang concert nina Tanya Varona at Tintin Gonzaga sa Rembrandt Downtown noong Sabado sa direksyon ni Elay Formaran. Bagamat may kahabaan ay maganda naman ang show. Wala kang itulak kabigin sa galing umawit nina Tanya at Tintin. Higit na gumanda ngayon si Tanya at puwede rin siyang lumabas sa pelikula. Malaki naman ang potensyal ni Tintin para maging sikat na singer balang araw.

vuukle comment

ANGELIKA

CENTER

DAHIL

IKAW LANG ANG MAMAHALIN

JOLENS

NAMAN

SUNSHINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with