^

PSN Showbiz

Mareng Winnie muling magbabalik

-
Ilang buwan ding hinanap-hanap ng mga manonood ang kakaiba at maaanghang na hirit ni Mareng Winnie na siya at siya lang ang kayang gumawa. Ngayong Huwebes, abangan ang pagbabalik niya sa Debate with Mare at Pare.

Ito ang isang debateng hindi dapat palampasin. At di lang yon, mayroon pang mga karagdagang "recado" ang paborito niyong programa. Kung dati’y nauna sa "tele-voting" ang Debate, heto’t nangunguna na naman sila sa paggamit ng cellphone sa botohan sa pamamagitan ng "Debatext." Sa pamamagitan ng text messaging, maipaparating na ng mga manonood ang kanilang pinapanigan sa isyung pinagdedebatehan.

Abangan ang pagbabalik ni Mareng Winnie sa Debate, ngayong Huwebes, 11:00 n.g., pagkatapos ng Frontpage: Ulat ni Mel Tiangco sa GMA.

vuukle comment

ABANGAN

DEBATEXT

FRONTPAGE

MARENG WINNIE

MEL TIANGCO

NGAYONG HUWEBES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with