Flower arrangement sa contract signing ni Vice, almost half a million daw ang halaga

Wow, ang bongga pala talaga ng pa-welcome kay Vice Ganda ng MediaQuest.
Sa flower arrangement pa lang daw, almost half a million na.
Naging topic kasi ang nasabing flower arrangement pagkatapos ng nasabing event.
Kaya naman may ilang gustong ma-discover kung how much ang ganu’ng arrangement dahil plano raw nilang pagawa ng ganun sa isang wedding.
At ‘yun nga, nagtanung-tanong ang source, at nadiskubre nila na worth P400k ‘yun.
Actually, hindi raw ‘yun ang original na decoration pero pinapalitan daw.
Baka dahil Vice Ganda kaya ganun.
Samantala, nagsanib-pwersa sina Vice Ganda, Klarisse, Lyka Estrella, Reiven Umali, Ian Manibale, MIAH, at grupong AZTER para ibida ang OPM sa Eurovision stage sa bagong komposisyon ni Jonathan Manalo na Mabuhay Ang Musikang Pilipino.
Ang kanta ang nagsilbing opening number sa Eurovision Song Contest Asia 2026: Philippine Selection Night noong Agosto 30 sa New Frontier Theater, na pinagsama-sama ang mga artist mula sa iba’t ibang henerasyon at genre para sa isang selebrasyon ng Filipino music at patuloy nitong pag-arangkada sa global stage.
Para kay Jonathan, dala ng kanta ang collective dream ng kapwa Filipino musicians, songwriters, producers, singers at music fans na makita ang OPM na nagniningning sa buong mundo.
“Music has always been one of the most powerful ways we Filipinos tell our stories, express who we are, and connect with one another. ‘Mabuhay Ang Musikang Pilipino’ seeks to capture that spirit in one collective voice,” pagbabahagi niya.
Isa si Jonathan sa mga matagumpay na makabagong Filipino songwriters at record producers na may pinagsamang 10.2 billion career streams at higit sa 100 Gold at Platinum certifications.
Isinulat niya ang Mabuhay ang Musikang Pilipino hindi lamang para ipagdiwang ang pagpapakilala ng OPM sa buong mundo kundi para hikayatin din ang kapwa Filipino artists na dalhin nila ang kanilang musika at pagkakakilanlan sa international stage.
“Eurovision has long represented the idea that music can cross borders without erasing national identity. In that spirit, ‘Mabuhay Ang Musikang Pilipino’ offers a distinctly Filipino statement for an international musical platform. Filipino music can be proudly local and confidently global at the same time,” sabi pa ni Jonathan, na nagsisilbing creatives, content at operations head ng ABS-CBN Music.
Sa Filipino at English lyrics ng kanta, itinampok ng emotional pop anthem ang mayamang tradisyon ng OPM habang isinusulong ang paghahatid ng musika sa bansa at abroad.
Sa pagtatapos na kanta, isang magandang deklarasyon ang hatid nito, “Musikang Pilipino, atin ’to, para sa buong mundo. Mabuhay ang Musikang Pilipino.”
Napapakinggan na ang Mabuhay ang Musikang Pilipino sa iba’t ibang music streaming platforms.
- Latest





















