^

PSN Showbiz

John Lloyd, ‘di makadesisyon sa reunion movie nila ni Bea?!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd, ‘di makadesisyon sa reunion movie nila ni Bea?!
John Lloyd Cruz at Bea Alonzo

Seven movies diumano ang standing offer para sa reunion project nina John Lloyd and Bea Alonzo.

Kasama sa mga producer na interesado silang gawan ng reunion project ang Star Cinema, Cong. Albee Benitez’ movie production, at ilan pang independent producers.

Pero ang hirap daw kumbinsihin ng actor na bumalik sa pag-arte until recently na nag-commit diumano ito sa Star Cinema na si Cathy Garcia-Sampana ang magiging director.

Ang sabi, nag-yes na raw ang actor dahil kailangan din daw nitong kumita dahil sa kanyang mga magulang na may kinakaharap diumano na health challenges.

Pero may sources naman na kinokontra ito. Hindi raw totoo ‘yun. Marami raw pera si John Lloyd at ayaw na nitong magtrabaho o may mga tao siya sa showbiz na ayaw na niyang makatrabaho.

But anyway, aprub na raw naman ng mister niyang si Vincent Co ang nasabing reunion with John Lloyd ni Bea. ‘Yun lang daw ang project ang pinayagan si Bea na gawin ayon sa sources.

Well, matagal nang usap-usapan ang nasabing reunion project nina John Lloyd at Bea na halos walong pelikula ang pinagtambalan noong kainitan ng kanilang loveteam.

Pinakahuling pelikula nila ang A Second Chance noong 2015.

Samantala, sinasabi ngang split na si John Lloyd sa girlfriend na si Isabel Santos. Medyo matagal-tagal na raw ‘yun.

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with