^

PSN Showbiz

Mark Logan, exposed!

-
Maaari na ring pagkakitaan ang isang magandang pangangatawan. P25,000 ang inihahandog ng pakontes ng Mr. & Ms. Bikini Open 2001 sa mga mananalo sa ikatlong taon ng paghahanap ng mga may magagandang pangangatawan, may edad mula 16-25 para sa lalaki, 18-25 para sa babae at may taas na hindi bababa ng 5’2’’ para sa babae at 5’8’’ o taller para sa lalaki.

Malaking bahagi ang porsyento para sa attitude, talino at ganda ng pangangatawan.

Mananalo rin ng round trip ticket sa USA, Hongkong at P5,000 para sa talent scout. Magsadya lamang sa Suite 214 Dela Rosa Condominium, Citiland 9, Dela Rosa, Makati. Tumawag sa 8175517/81372180(81)/893-9497. Abangan ang anunsyo ng petsa ng screening. Grand finals sa Abril 28 sa Waterfront Beach Resort, Morong, Bataan.

Nasa ikatlong taon na ng kanilang search ang Mr. & Ms. Bikini Open 2001 na ang mga kasalukuyang humahawak ng titulo ay sina Jay Lusuego at Mary Grace Lacson.
*****
Mukhang naka-jackpot ang GMA sa pinaka-bagong batch nila ng mga kabataang artista na tinatawag nilang Master Showman Teeners, binubuo ng limang babae at apat na lalaki. Nakita sa unang pagkakataon sa panghating-gabing programa ni Master Showman, Kuya Germs Moreno, ang mga kabataan at talaga namang marami silang pinahanga sa kanilang mga kaanyuan at talino sa sayaw.

Ngayon pa lamang ay pinuputakti na ng offers ang mga kabataan at sunud- sunod na ang mga appearances nila. Sina Jemalene at Gian ay mapapanood sa C&S Shopping Complex, Tarlac City sa Pebrero 6 sa imbitasyon nina Tony Chua, Wilson Sytu at Sally Castro. Makakasama nila sina Precious Valencia at Selina Sevilla.
*****
Medyo mahihirapan siguro ang host (isa sa dalawa) ng Pinoy Exposed na si Mark Logan na matupad ang kanyang pangarap na makilala bilang isang seryosong newscaster. At this point in his career, bagaman at mabilis ang pagtaas ng rating ng kanyang Pinoy Exposed na siya ang gumagawa ng script, magaan ang tanggap sa kanya ng mga manonood. Maski na sa Alas Singko y Medya na kung saan ay associate producer siya at segment host ay hindi serious news ang tina-tackle niya kundi mga cute na balita. Ganito rin ang kaso ng TV Patrol na kahit na nagawa niyang mag-deliver ng mga kakaibang reports gaya ng ginagawang pagtulog ng ilang congressmen sa ginanap na impeachment trials ay tinanggap pa ring mga comic relief ito ng mga manonood sa halip na seryosong balita. Bumabawi na lamang siya sa Balita Alas Singko, pre-program ng ASYM, na kung saan ay executive producer siya at newscaster. Straight news reporting siya rito.

Sa mga hindi nakakaalam, nagsimula bilang isang seryosong journalist si Mark sa Journal Group. Halos lahat ng beat ay napuntahan niya. Mula police hanggang Malacañang. Nang ma-assign siya sa desk ay madali siyang nagsawa kaya nang magkaroon ng offer na lumipat sa TV mula kay Dong Puno ay agad niyang tinanggap. Apat na ulit siyang sumubok na maging news reporter ng TV Patrol at apat na ulit din siyang nabigo. Dito niya naisip na baguhin ang kanyang istilo. Nung una ay hindi rin nagustuhan ni Noli de Castro ang istilo niyang itinutula ang kanyang mga reports pero pumayag na rin ito, lalo na nang magsimula itong umagaw ng pansin ng manonood.

Sa ngayon ay tanggap na ng manonood ang istilo ni Mark. Tanggap din nila ang kanyang pagsusumikap na makilala sa larangan ng pagbabalita. Kasabay nito, appreciated ng TV viewers ang efforts niya sa Pinoy Exposed na nasa 18 buwan na sa ere at madalas makasama sa top 10 sa mga palabas sa lahat ng channels. Bukod sa pagiging anchor nito ay siya pa rin ang sumusulat ng lahat ng spiels dito.

"Tumatawag na rin ito ng pansin. Katunayan, may nagtatangka na ring gumaya kaya lamang, hindi pa sila nagtatagumpay. Hindi lamang ako ang bumubuo ng show at ilang mga tao. Binubuo ito ng napakaraming tao na nagtutulung-tulong para makabuo ng isang pambihirang panoorin na kakaiba sa mga kasalukuyang palabas ngayon. Ang nakakatakot lamang ay ang alalahanin na baka mamatayan ako ng tao sa show, lalo na kung talagang napakahirap ng stunts na kailangan nilang gawin. Sa ganitong mga kaso, laging may nakaabang na grupo na nagbibigay ng lifeline, may mga ambulansya rin na handang magtakbo sa sinuman sa ospital. Ang grupo ng mga nagpi-perform ng mga mapanganib na task ay may regular na bayad at naka-insure."

Ang efforts niya, to better his craft ay hindi naman mawawalan ng saysay. Already, a student of UP has made him the subject of her thesis. Inampon na rin siya ng mga taga-Bulacan dahil sa husay niyang mag-deliver ng news in Tagalog, in his unique way.

"I want to be remembered as someone who revolutionized news," pagtatapos niya.

ALAS SINGKO

MS. BIKINI OPEN

PINOY EXPOSED

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with