^

Punto Mo

Tres Queridas (3)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

MATAPOS makita ang picture ni Carlo sa cell phone ni Celeste, napaupo sa sahig si Diana sa sobrang pagkabigla. Tila ba nawalan siya ng hangin sa nalaman na iisang lalaki ang asawa nila ni Celeste.

“Oh my god.” Nakuha agad ni Celete ang ibig sabihin ng mga ikinilos ni Diana. “Ito rin ba ang asawa mo?” bakas sa boses ni Celeste ang panginginig.

Basta lang tumango si Diana. Walang lumabas na boses sa bibig nito na tila nabarahan nang malaking bato.

“Tell me this is just a bad joke,” tanong ni Celeste habang tinulungang tumayo si Diana.

“Kasal kami sa simbahan noong 2018,” mahinahon ngunit basag ang boses na sagot ni Diana. Pilit niyang pinatitigas ang pagkakatayo kahit nararamdaman niyang nanlalambot ang kanyang mga tuhod. “May anak kami, seven years old.”

Napahawak si Celeste sa dibdib, hindi makapaniwala. “Tatlong taon na kaming kasal. We had a beach wedding in Balesin!”

Bago pa man maipro­seso ng dalawa ang lamat sa kani-kanilang buhay, isang kaguluhan ang nangibabaw mula sa kabilang bahagi ng terminal. Natumba kasi ang isang buntis na babae sa sobrang paghi-hysterical.

“Pakiusap po! Pakihanap ang mister ko!” iyak ng isang babae na nakasuot ng maternity dress.

Inalalayan ito ng mga staff ng terminal pero nagpupumiglas ito. “Carlo Evangelista po ang pangalan ng asawa ko! Hindi siya puwedeng mawala dahil ipinagbubuntis ko pa ang panganay niya!”

Napatigil sina Diana at Celeste. Nagkatinginan sila. Agad nilang nilapitan ang babae. Kahit sa gitna ng sariling pagkalito, lumabas ang pagiging ina at natural na kabaitan ni Diana. Agad niyang inalalayan ang babae.

“Huminahon ka muna, miss,” mahinahong sabi ni Diana. “Pasahero rin po ang mister n’yo?”

“Ako si Selina... Selina Evangelista,” sagot ng babae habang patuloy ang pag-agos ng luha.

May hawak na brown envelope si Selina. Agad itong kinuha ni Celeste at tiningnan ang laman nito. Marriage certificate ang isa sa nilalaman nito. Sa dokumento malinaw ang nakasulat: Carlo Anthony Evangelista at Lani Ramos.

Walong taon. Tatlong taon. Labing-isang buwan. (Itutuloy)

TRES QUERIDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with