^

Punto Mo

Flocerfida (397)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAYROON kang negosyo, Kuya?” tanong ni Efren.

“Oo. Pero nagsisimula pa lang.”

“Anong negosyo, Kuya?” tanong ni Eunice.

“Fruit juices.”

“Aba maganda ‘yan Kuya! Patok ‘yan!”

“Tamang-tama na kayo ang makakatulong namin sa pagpapalago ng negosyo.”

“May bahay ka ba sa Maynila, Kuya?” tanong ni Eunice.

“Bahay natin. Pag-aari ‘yun ni Papa.”

“Gusto kong makaratin dun, Kuya.”

“Makakarating kayo roon.”

Maya-maya, nagyaya na si Kapitan Jaime para kumain ng tanghalian.

“Halina kayo at nakahanda na ang mesa.

Lalamig ang sabaw ng tinolang manok na native. Maraming nakahandang ulam.”

Tinungo nila ang dining room. Puno ng pagkain ang mahaban mesa.

Sinimulan nila ang masaganang tanghalian.

Habang kumakain ay nagkukuwentuhan sila.

Pinakamasaya naman si Ericko dahil sa wakas, nakapiling na niya ang dalawang kapatid na matagal ding nawalay.

Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos. (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with