^

Punto Mo

Imago (97)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Gamit ang natitirang lakas ng kanyang mga binti, itinulak ni Maya ang nakatali nilang katawan ng kakambal na si Mara patungo sa gilid ng pader.

Lumambitin sila sa gitna ng hangin habang ang dambuhalang bakal na platform ng elevator ay ilang pulgada na lamang ang layo sa kanyang mga paa.

Sa mismong punto ng kanilang pagduyan, hinubad at inipit ni Maya ang kaiyang boots sa gilid ng ventilation door at buong-lakas itong pinalo ng hawak na pipe wrench.

Bumuka ang bakal na pintuan. Tumama ang kanilang mga katawan sa madulas na bakal ng duct sa mismong segundo kung kailan umalingawngaw ang isang nakatutulig na ingay sa shaft.

Lumikha nang malakas na pagsabog ng usok at kislap ng kuryente ang elevator car habang dumidikit at sumalpok ito sa kisame ng shaft sa ibaba, ilang pulgada lang mula sa kanilang kinaroroonan.

Ang buong pader ng duct ay nanginginig sa matinding lakas ng bentilasyon, ngunit nakapasok na sila sa loob.

Napahiga si Maya sa malamig na ibabaw ng duct, humahabol ng hininga habang nakakapit pa rin sa kanya ang nanginginig na si Mara.

“Nandito na tayo, Mara...” humihingal na bulong ni Maya, tinitingnan ang panibagong pasilyo ng bentilasyon na dahan-dahang nakatagilid pababa.

Ang duct ay direktang dumadaloy patungo sa pinakailalim na bahagi ng pasilidad, ang submerged maintenance dock kung saan naroon ang mga emergency watercraft ng Drydock 4. Wala nang sirang elevator na makahahabol at pipisa sa kanila.

Gamit ang kanyang mga siko, dahan-dahang itinulak ni Maya ang sarili at si Mara upang magpadulas sa kadiliman patungo sa huling daan ng kanilang pagtakas.

(Itutuloy)

IMAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with