^

Punto Mo

Flocerfida (394)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

KUMATOK si Kikoy sa bakal na gate na lampas tao ang taas. Maya-maya narinig niya na may nagbukas ng gate.

Isang lalaki na kasing-edad ni Kikoy ang bumungad. Mukhang kagalang-galang ang lalaki. Siya si Kapitan Jaime na kaibigan ni Kikoy.

“Pareng Kikoy!” sabi ni Jaime.

“Pareng Jaime, kumusta?”

Nagkamay sila nang mahigpit.

Binuksan ni Jaime ang gate.

“Pasok kayo! Kanina pa namin kayo hinihintay. Tamang-tama ang dating ninyo dahil luto na lahat ang pagkain na pagsasaluhan natin. Naghanda ako nang marami dahil alam kong espesyal ang araw na ito.”
Pumasok sila. Maluwang ang bakuran ng bahay na may mga halamang namumulaklak at may ilang puno na namumunga. Hitik na hitik sa bunga ang suha at ang Indian mango.

“Sino si Ericko?” tanong ni Jaime.

“Ako po Kapitan.”

“Kamukha mo ang iyong mga kapatid, Ericko.”

“Pupuntahan po ba natin sila ngayon, Kapitan?” tanong ni Ericko.

“Oo. Pero kakain muna tayo.”

“Malayo po ba ang bahay nila?”

“Malapit lang.”

Sumabad si Kikoy.

“Excited na kasi si Ericko na makita ang mga kapatid niya.”

“Makikita mo rin sila, Ericko. Relaks ka lang,” sabi ni Jaime at binuksan ang pinto ng bahay.

“Halina kayo. Pasok!”

Pumasok sila.

Kinakabahan na naman si Ericko.

(Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with