^

Punto Mo

Flocerfida (393)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

EKSAKTONG alas nuwebe, narating na nina Kikoy ang bayan ng Pinamalayan. Pagpasok sa bayan, nakita nila ang malaking banga na may bahaghari na simbolo ng Pinamalayan.

Malawak ang mga kalsada at malinis. Maunlad ang bayan. Maraming establishments, restaurants, fastfoods at iba pa. Nadaanan nila ang malaking palengke.

“Diyan daw sa palengkeng ‘yan may puwesto ang mga kapatid mo Ericko,’’ sabi ni Kikoy.

“Diyan na po ba tayo bababa, Tito?”

“Hindi. Sa bahay ni Kapitan Jaime sa Malvar St. tayo pupunta. Ipagtanong lang daw natin kung nasaan ang bahay ni Kapitan sa Malvar.”

Isang pulis na nakatayo sa kanto at nagsasaayos ng trapiko ang pinagtanungan nila. Mabait ang pulis.

“Deretso lang kayo. Bago sumapit sa parola, kumaliwa kayo at makikita n’yo ang Malvar St. Ipagtanong niyo ang bahay ni Kapitan, malapit sa banko.”

“Salamat po.”

Sinunod nila ang sinabi ng pulis. Narating­ nila ang Malvar St. Pinagtanong nila sa isang lalaking naglalakad ang bahay ni Kapitan Jaime.

“Yun pong bungalow sa gawing kaliwa,’’ sabi ng lalaki.

Tinungo nila. Hindi naman mapakali si Ericko. (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with