Flocerfida (391)
ISANG araw, nakatanggap ng tawag si Kikoy mula sa kaibigan nito sa Pinamalayan at sinasabing nakausap na niya ang dalawang kapatid ni Ericko.
“Pareng Kikoy, nakausap ko na ang mga kapatid ni Ericko. Mga tindero at tindera sila sa palengke. Tuwang-tuwa sila nang malaman na hinahanap sila ng kanilang kapatid. Kailangang pumunta kayo rito sa Pinamalayan para magkita-kita na sila.”
“Oo Pareng Jaime, pupunta kami riyan para magkita rin tayo. Matagal na tayong hindi nagkikita parekoy. Para makita mo ang magandang bayan ng Pinamalayan.”
“Oo nga Pareng Jaime. Balitang-balita na magaganda ang beaches diyan.”
“Totoo Pareng Kikoy. Magsasawa ka rin sa masasarap na pagkain.”
“Sige pupunta kami riyan sa Sabado. Apat kaming darating diyan.”
“Sige hihintayin ko kayo.”
“Saan ba ang eksaktong address mo, Pareng Jaime?”
“Sa Malvar St. ang bahay ko. Malapit sa banko. Ipagtanong mo lang kung nasaan ang bahay ni Kapitan Jaime, ituturo sa iyo.”
“Kilalang-kilala ka pala riyan.”
“Oo. Sige hihintayin ko kayo Pareng Kikoy.”
“Salamat Pareng Jaime.”
(Itutuloy)
- Latest




















