^

Punto Mo

Flocerfida (389)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SAAN daw sa Mindoro naroon ang mga kapatid mo, Ericko?” tanong ni Kikoy.

“Ang huling balita ko po ay nasa Pinamalayan. Dati po kasi may ibinigay sa akin si Papa Florence na cell phone number ng isang kaibigan yata niya sa Pinamalayan at ayon sa kaibigan, nakita raw niya sa palengke ang aking mga kapatid.”
“Madali natin silang mahahanap kung ganun. Isa pa, mayroon akong kakilala na taga-Pinamalahan dati kong kasamahan sa trabaho sa Makati nung araw.”
“Salamat po Tito Kikoy. Kapag nakita ko ang aking mga kapatid, matutupad na ang matagal ko nang panalangin na mabuo ang aming pamilya.”

“Huwag kang mag-alala at lahat ng mga panalangin ay sinasagot ng Diyos,” sabi ni Kikoy.

“Kaya po pala sabik na akong makita at makilala ka Tito Kikoy. Ikaw pala ang tutulong sa akin para mahanap ang mga kapatid ko.”

Biglang nagsalita si Malou na ikinagulat nina Kikoy, Ericko at Dang.

“Tutulong ako sa paghahanap sa mga kapatid mo. Ako ang gagastos para mahanap agad sila.”
“Salamat Tita Malou. Napakabuti n’yo ni Tito Kikoy.”

“Kasi’y ganyan din ang nangyari sa akin. Nagkawatak-watak din kaming magkakapatid. Nang makapagtrabaho ako sa Maynila at may naipon, hinanap ko ang mga kapatid ko dalawa sila. Natagpuan ko sila sa Laguna at Quezon. Matagal kong hinanap ang dalawa. May mga pamilya na sila. Tuwang-tuwa ako nang magkita-kita kami. Kaya ang nararamdaman mong pagkasabik sa dalawa mong kapatid ay ramdam na ramdam ko Ericko.”

Hindi makapagsalita si Ericko. Hilam naman sa luha si Dang matapos magkuwento si Malou.

(Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with