^

Punto Mo

Flocerfida (388)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“PERO bago po sana mangyari ang pag-asenso­, ay matupad sana ang matagal ko nang hinihiling sa Diyos,’’ sabi ni Ericko na nagseryoso ang  boses.

“Ano ‘yun?” tanong ni Kikoy.

“Gusto ko sanang magkasama-sama kaming mag­kakapatid, Tito.”

“Nasaan ang mga kapatid mo?”

“Mula nang mamatay ang aming ina, nagka­watak-watak na kami. Ang huling balita ko, nasa Mindoro ang aking mga kapatid.”

“Ilan sila?”

“Dalawa—isang lalaki at isang babae.”

“Bakit napahiwalay sila? Bakit ikaw ang nasa piling ng Papa Florence mo?”

“Hindi ko po malaman kung bakit. Sabi lang ni Papa, naghati sila ni Mama. Ako lang ang dinala ni Papa.”

“Ah.”

“Gusto ko magkasama-sama kami at mabig­yan sila ng magandang buhay.”

“Matutupad ang hiling­ mo dahil aasenso ka, Ericko.”

“Salamat Tito.”

“Tutulungan kitang hanapin ang mga kapatid mo.” (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with