‘Nail Cutter’ (Last Part)
HINDI namin inaasahan na mas malaki pa pala ang halaga ng nail cutter kaysa sa unang sinabi ng alaherong si Noel. Binabayaran ng P2-milyon ang nail cutter dahil sinaunang gamit daw iyon at malaki ang uri ng ginto. Hindi na sinabi ng may-ari ng jewelry shop kung anong uri pero mahalaga raw. Bihira na raw makakita ng ganoong uri ng ginto.
Sabi ng may-ari ng jewelry shop, mga katutubong Saudi raw ang nagmamay-ari niyon. Bigla kong naisip ang mga Bedouin—mga orihinal na Saudi. Karaniwan daw na tinutunaw ang ginto at saka ginagawang mga gamit—kutsara, tinidor, nail cutter, suklay at iba pa.
Nagkabayaran kami. Hindi ako makapaniwala sa biglang suwerte na dumating.
Maipagagawa ko na ang bahay na pangarap ko para sa aking mga magulang. May maitatabi pa ako para sa aking hinaharap.
Binigyan ko ng P100,000 si Mel. Tuwang-tuwa ang kaibigan ko.
Makalipas ang ilang taon, tumigil na ako sa pagsa-Saudi at nagnegosyo na lamang. Hanggang sa magkaasawa ako.
Siyanga pala, tumigil na ako sa pangungulekta ng nail cutter. Iningatan ko na lamang ang koleksiyon ko.
- Latest




















