^

Punto Mo

‘Nail Cutter’ (Part 12)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAMANG-TAMA naman na magbabakasyon ako sa Pilipinas ng mga panahong iyon kaya pinlano ko ang mga gagawin para maibenta ang gintong nail cutter.

Kinausap ko ang kaibigan kong si Mel na sumabay na sa akin sa pagbabakasyon para kaming dalawa ang magdadala ng gintong nail cutter sa Guiguinto. Payag si Mel, tuwang-tuwa.

“Mamamantikaan din yata ang nguso ko, Bro,’’ sabi ni Mel na nakangiti.

“Hindi lang mantika, Mel.”

“Talaga?”

“Oo. Ikaw pa ang hindi ko balatuhan e ikaw itong tumulong sa akin para maibenta ang nail cutter.”

“Salamat, Bro.”

Sabay nga kaming nagbakasyon ni Mel. Ipinagtapat ko sa aking mga magulang ang tungkol sa gintong nail cutter at hindi sila makapaniwala na maibebenta iyon sa malaking halaga.

Kinabukasan, nagtungo na kami ni Mel sa Guiguinto. Isinama ko ang aking kapatid na lalaki para mag-drive.

Pagdating namin sa Guiguinto, sinuri at ganun na lamang ang pagkabigla namin.

(Itutuloy)

NAIL CUTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with