^

Punto Mo

‘Nail Cutter’ (Part 5)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

DAHIL sa dami ng nail cutters na nakatambak sa aking harapan, hindi ko malaman ang unang dadamputin. Noon lang ako nakakita nang ganun karaming  nail cutters. At sa tingin ko, hindi second hand ang mga nail cutters dahil napakakintab. Pawang bago. Hindi ako maaring magkamali. Iba’t iba ang size ng nail cutters.

Ako lamang ang tao sa section na iyon kaya malaya akong nakapili ng gusto kong nail cutter. Siguro ay ako lamang ang may matinding pagkagusto sa nail cutters.

Sinimulan ko na ang pagpili sa  bunton ng nail cutters. Hinalukay ko ang nasa dakong ilalim at baka makakuha ako ng kakaiba pang nail cutter.

Inilagay ko sa plastic na supot ang mga napili kong nail cutters. Kalahating supot ang aking nakuha. Sa tantiya ko, mahigit 100 nail cutters ang nasa supot. Mabigat.

Nagulat ako sapagkat 20 Riyals lang ang binayad ko sa kalaha­ting supot na nail cutters.

Matapos iyon ay umuwi na ako. Excited kasi ako sa aking mga nabiling nail cutters. Gusto kong makita ang mga bagong koleksiyon ng nail cutters.

Pagdating sa tirahang villa ay inilagay ko sa mesa ang mga nail cutters at isa-isang ininspeksiyon.

Hanggang isang nail cutter ang umagaw ng aking atensiyon. Kakaiba sa lahat! (Itutuloy)

NAIL CUTTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with