^

Punto Mo

Last wish

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang magsasaka na ang lupang sinasaka ay nasa kabundukan. Doon na rin naninirahan ang buo niyang pamilya. Palibhasa’y malayo, bihira ang mga itong pumunta sa ­kabayanan. Napapagawi lang sila sa kabayanan kapag magbebenta ng kanilang ani.

Umiikot lang sa bukid ang kanilang buhay: bukid—bahay—bukid. Katoliko sila pero kahit minsan ay hindi sila nakakapagsimba.

Isang araw, biglang inatake sa puso ang ama. Bago malagutan ng hininga ay hiniling sa mga anak na kung matutuluyan siyang mamatay ay ipasok sana siya sa simbahan at alayan ng misa ang kanyang labi.

Ganoon nga ang ginawa ng mga anak. Kumuha sila ng schedule sa simbahan kung kailan ipapasok nila ang labi ng kanilang ama para pamisahan. Pero isang araw bago isagawa ang misa para sa ama ay nagpasabi ang namamahala sa simbahan na sa bahay na lang daw isasagawa ang misa at pagbebendisyon sa patay dahil may mga artistang nagsu-shooting sa simbahan. Hindi pumayag ang mga anak ng namatay. Kinausap nila ang parish priest.

“Father, kahit kailan ay hindi pa naranasan ni Tatay na pumasok sa simbahan. Diyata’t sa kahuli-hulihang sandali ay ipagkakait pa sa kanya ang makapasok sa bahay ng Diyos?”

Nabagbag ang kalooban ng pari kaya’t gumawa ito ng paraan na mapakiusapan ang production na itigil na muna ang shooting. Mas importante nga naman ang kaluwalhatian ng kaluluwa kaysa kikitain ng simbahan sa shooting ng teleserye.

WISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with