^

Punto Mo

30% ng PUVs kolorum!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

ISA umano sa labis na nagpapasikip sa mga lansangan, partikular sa Metro Manila ay ang pamamayagpag ng mga kolorum na pubic utility vehicles (PUVs).

Lumabas sa isinagawang kampanya laban sa mga kolorum sa buong bansa, aabot sa 30 porsiyento ng mga PUVs ang walang prangkisa.

Ito ang lumitaw sa ginanap na DILG-DOTr-MMDA Joint Task Force Operation Memorandum of Agreement sa Camp Crame, kaugnay sa ikinasang kampanya laban sa mga kolorum.

Layon nga ng ganitong kampanya na matugunan ang masikip na daloy ng trapiko.

Biruin mong sa mga PUVs na tumatakbo araw-araw sa mga pangunahing lansangan, aba’y malaking bilang dyan eh mga kolorum.

Baka nga abutin pa sa milyon.

Siguradong madadagdagan pa ang mga yan, matapos ang April 30 deadline sa consolidation.

Dahil ang hindi nakapag-consolidate matapos ang deadline ay maituturing nang kolorum.

Madadagdagan pa ang hahabulin ng mga awtoridad.

Sa panig naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) tukoy na umano nila ang mga ruta ng mga driver na hindi nag-consolidate kaya magiging madali ang paghuli sa mga ito.

Isa pang dapat din namang matignan, bakit napakalaking porsiyento ng mga kolorum ang namamayagpag sa lansangan.

Aba’y kailangang masilip dyan ang sabwatan sa mga lumalabag at sa mga humuhuli.

Baka isa pa nga yan sa dahilan kung bakit hindi malutas-lutas ang problema sa kolorum, dahil may tiwali na mga enforcers.

 

vuukle comment

PUBIC UTILITY VEHICLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with